CHAPTER 39:
Samantha-Ian09/30/xy
Dear Ian,
Ian? Huy? Ang weird mo na... bakit ba?
Alam ko namang broken-hearted ka. Alam kong baka nasasaktan ka pa sa nangyari... pero bakit parang buong mundo mo, nadamay lahat?
Pansin kong bumababa ka na sa acads. Naging distracted and destructed ka masyado. Pati social life mo, naapektuhan din yata.
Kanina, grabe talaga! May group activity tayo sa Filipino at ka-group kita. Anong nangyari? Bukod sa ayaw mong makipag-cooperate, talagang pinahiya mo pa ako sa kanila. Pati ba naman sa'kin nagbago ka? E bakit hindi ka naman kasing-harsh sa iba? Bakit pag ako, ganun ka? Kung hindi mo ko lalayuan at iiwasan, susungitan mo naman ako at ipapahiya kapag namilit ako.
Anong nangyari sa'yo ha? Dapat na bang kausapin ko si Bernice? Parang gusto ko bigla na luhuran siya at magmakaawang balikan ka niya para bumalik ka lang sa dating ikaw.
Gusto lang naman sana kitang i-comfort kasi alam kong kailangan mo ng kaibigan at karamay. Gusto ko lang ipakita na lagi akong nandito para sa'yo. Sana naman ma-appreciate mo kahit yun lang.
Please, wag mong sirain ang buhay mo dahil lang dun sa bagay na yon.
Love,
Samantha**kept
BINABASA MO ANG
Dear You [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Different persons... different point of views... different experiences... different stories... but all are special letters for their special someone that will narrate their story.