CHAPTER 49:
Ian-Samantha10/07/xy
Dear Samantha,
For how many years, magkasama na tayo. Simula pa nung nandito pa si Nikko nag-aaral noon, magka-close na tayo. Our friendship is indeed one of our most precious possessions. Kahit na lagi tayong magkakaasaran at nagkakapikunan, we are always right beside each other. Bago pa man tayo mag-mature nang ganito, magkasama na tayo. Halos sabay pa nga tayo sa lahat ng mga bagay.
Now, we're both grown up teenagers. Marami nang bago, pwera sa friendship natin. Maybe you doubt na lately nagkaiba na, remove that doubt please.
Ikaw pa rin yung Samantha na kaibigan ko. Ako pa rin yung Ian na kaibigan mo.
And you know what... I have this one secret story that I haven't shared to you yet. Bukod pa sa nakakaumay na kwento ng series ng Transformers, may isang paboritong kwento pa kong hindi nasi-share sa'yo.
Basahin mong maigi kasi ngayon lang naman ulit ako dadada at magkukwento nang ganito.
It is about one prince who is secretly in love with one pretty lady in their castle...
Shit, hindi talaga ako mahilig sa fairytales pero basahin mo pa rin. At hoy, wag ka namang tumawa dyan!
...so back to the story...
May gusto nga yung gwapong prinsipe dun sa magandang dilag. Ang kaso, natatakot siyang umamin. Bakit? Kasi hindi naman niya alam kung may nagmamay-ari na sa puso nung babae. Pano kung taken na pala ang puso nito? Pano na siya? At isa pang dahilan ay ang pagiging hindi seryoso ng prinsipe. Kilala niya ang sarili niya. Mabilis siyang magsawa. Pano kung dumating yung puntong magsawa siya sa dilag na yon? Hindi niya kakayaning paiyakin ito. Kahit papano, marami silang pinagsamahan. Ayaw niyang mawala lang lahat ng yon.
Alam ko namang may pagkatanga at duwag yung prinsipe. Haha!
So ayun nga. Natakot siya kaya naghanap siya ng taong pagtutuunan ng atensyon niya at ng pakiramdam niya. Lumalaki na kasi at lumalago yung pag-ibig sa puso niya kaya kinailangan niyang pigilan. He diverted his attention and feelings to another princess on the neighbor kingdom. He courted her hanggang maging sila. Too crazy of destiny dahil kahit gaanong pilit niyang magseryoso at magpakatotoo, wala talaga. Siya pa ang pinagpalit nito sa isa pang prinsipe. Lahat ng efforts niya, nawala. He was all messed up.
Pero talagang bumabalik pa rin siya sa isang conclusion na nabubuong pilit sa utak niya: Baka talagang yung taong pinakaiiwasan niya ang meant sa kanya...
Nung una, talagang makulit ang prinsipe. Talagang pinaglalaban niya ang mga pinaniniwalaan at iniisip niya noon. Pero talagang nakakatawa na tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan. One close friend of him gave him a special box. According to that friend, sure daw na makakatulong iyon. He opened and he was surprised to see letters... mga sulat ng babae sa prinsipe... All are telling that the feeling is mutual. Ending? Edi ang cliche sa Fairy Tales--happy ending. The end.
Ang galing, ano? Pagkatapos ng lahat ng kaduwagan ng prinsipe, nakuha pa rin niya yung happy ending nila... :)
Hmm... E tayo kaya?
Samantha...
I am sorry kung sobrang duwag ako noon. Sorry kung tinago ko to. Sorry kung nahirapan pati ikaw. Kagaya nung prinsipe, natakot lang talaga ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa'yo. You're just too good for me. Ayokong masasaktan kita. I had no trust on myself before kaya ganon.
Even Nikko pushes me na gusto pa rin kita, pero hindi ako nakinig. Iniwasan pa kita. I fought against the urge to love you kasi nga ayokong masaktan ka lang at masayang lang lahat ng meron tayo.
But now... after reading and knowing everything... na mahal mo rin pala ako sa simula palang,... I came up with these realizations. Kailangan ko nang magpakatapang. Pero hindi lang puro salita. Of course, pursigido akong gawin lahat hindi lang mangyari yung negatibong iniisip ko. I'll take good care of you and as well as your heart.
Your letters gave me courage and strength, Sam.
Hindi ko na hihilingin na sana noon ko pa nalaman ang lahat kasi wala namang mababago. Ang gusto ko na ngayon ay sana... sana makabawi ako sa mga dapat noon pa nating nagawa.
Wala na tayong magagawa sa nakaraan, pero sa hinaharap, sobrang dami pa. Lalo na kung tayo ang magkasama...
Sam... I like you ever since. I was just very much afraid. Sorry... Sorry for hurti
Pero totoo, Sam. Mahal kita. You are always special for me.
Let's start again?
Mahal na mahal kita, Samantha.
Love,
Ian**sent
BINABASA MO ANG
Dear You [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Different persons... different point of views... different experiences... different stories... but all are special letters for their special someone that will narrate their story.