CHAPTER 28:
Basty-Donna09/24/xy
Dear Donna,
Huy, magparamdam ka naman na. Dinalan na kita ng pagkain at lahat dyan sa bahay niyo, pero hindi mo pa rin ako pinapansin. Peace offering at kabayaran ko na yun sa mga utang ko sa'yo. Lagi ka nalang busy. Baka mag-first honor ka na niyan, Donna. Haha.
Pero seryoso, pansinin mo na ako. Kailangang kailangan ko talaga ang tulong mo. Please.
Hiwalay na yata sina Ian at Bernice. Kung hindi pa, sigurado akong malapit na. Pucha naman kasi yung nagsumbong kay Ian eh. Alam kong hindi si Sam yon. Nako. Mapapatay ko talaga kung sinuman yong hayop na panira na yon.
Shit. Maghihiwalay na yung dalawa.
Donna, isa lang ang ibig-sabihin nun! Magkakaroon ng pag-asa sina Sam at Ian. Hindi pwede yun! Pano nalang ako di ba? Pano nalang kami ng best friend mo? Ikaw, papayag ka bang sa mokong na yun mapunta ang best friend mo pagkatapos ng lahat ng pagpapaiyak niya? Hindi dapat di ba?
Ugh, shit. Nakakadespera na masyado.
Patulong na kasi, please? Baka hindi ko na mahintay ang araw ng birthday niya eh. Pano na gagawin ko? Penge kaunting ideya o kaya kahit pampalakas lang ng loob. Please?
Ikaw lang talaga ang malalapitan ko, Donna. Please?
Love,
Basty**sent
BINABASA MO ANG
Dear You [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Different persons... different point of views... different experiences... different stories... but all are special letters for their special someone that will narrate their story.