CHAPTER 21:
Samantha-Ian09/17/xy
Dear Ian,
Ian... M-may nalaman ako. May nakita ako. Pero ayokong malaman mo. Ayokong sabihin sa'yo.
Kahapon, nag-aya si Basty na lumabas kami. Nagkape kami sa Heaven's Cafe. Akala ko normal na hapon lang 'yon para sa'kin, pero... pero nakita ko sila. Sina Bernice at Nikko... yung girlfriend mo at yung best friend mo.
Ayoko sanang bigyan ng kung anong malisya yung eksenang 'yon, pero alam kong naghihintay ka sa school kahapon sa kanya. Same day, same hour. Naghihintay ka pala sa wala... kasi siya, kasama na pala si Nikko.
There's more. Ang saya-saya nilang dalawa. They were both laughing sa kwento nilang hindi ko marinig kasi may kalayuan yung pwesto namin. Si Bernice, daig pa yata kapag kasama ka. Hindi sa paninira, Ian. I was just saying what I saw.
Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanila. Hindi ko alam kung alam mo yun. Wala akong kasiguraduhan so I'll just keep it my own. Wag ka mag-alala. Nakita man ni Basty, sinabihan ko siyang wag maingay.
Sana mali ang hinala ko sa kanila. Baka masaktan ka lang. Dalawang mahalagang tao pa ang nanggago sa'yo pag nagkataon. Girlfriend at best friend mo pa.
Nasasaktan ako para sa'yo, Ian. As much as I want, ayokong pinagmumukha kang tanga at ginagago pag nakatalikod ka, pero wala naman ako sa lugar. Wala akong karapatan. I'll just shut my mouth.
Basta, tandaan mo, pag kailangan mo ako, nandito pa rin ako. Ikaw pa rin ang mahal ko, Ian.
Love,
Samantha**kept
BINABASA MO ANG
Dear You [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Different persons... different point of views... different experiences... different stories... but all are special letters for their special someone that will narrate their story.