Letter 11 (Basty-Donna)

129 2 0
                                    

CHAPTER 11:
Basty-Donna

09/03/xy

Dear Donna,

Effective yung brownies! Yes! Naks talaga!

Sobrang thank you talaga, Donna! Hindi mo alam kung gaano kalaking tulong yung binigay mo. Haha! Sa tingin ko, worthy lahat ng pagpapasensya mo sa'kin kanina. Siguro kung magtatayo ka ng Baking School, pwedeng pwede mo kong pagpraktisan bilang estudyante.

Ulit, salamat talaga. Dahil dun, nagka-ayos na kami kahit papano ni Sam. Mukhang konting tiyaga nalang, mangyayari na yung mga gusto kong mangyari.

Kanina, malungkot siya, pero nung naamoy nita yata yung dala kong brownies, in a snap ay naging okay siya. Dahil sa brownies, gumaan yung pakiramdam niya. Masarap daw, Donna. Naks. Gusto ko sanang solohin yung compliment pero unfair naman yata sa side mo. Dalawa pa rin tayo na gumawa, at oo na, mas marami kang nagawa dun.

Sabi pala ni Sam, gusto pa ulit niya ng ganung brownies. Haha. Alam mo na ha? Ok lang ba sayo? Di bale, this time, babayaran na kita sa ayaw at sa gusto mo. Ikaw kasi eh, di mo pa tinanggap yung singkwenta noon. Hahaha. E sorry na. Yun lang talaga laman ng wallet ko nun eh.

Saka pala, Donna, sasagarin ko na. Pwede bang magpatulong sayo? Wala na kasi akong ibang malapitan. Ikaw kasi ang best friend ni Sam. At ikaw lang naman din ang ka-close ko. Kaya pwede ba? Pramis talaga, babawi rin ako sayo.

Siguro naman alam mo na yung gusto kong mangyari, di ba? Gaya mo, ayoko ring nakikitang nasasaktan ang best friend mo. Gusto ko siyang masaya. Gusto ko ibigay sa kanya yung mga inaasahan niya kay Ian. Gusto ko magkaroon ng chance at puwang sa puso niya.

Tulungan mo ako, ah? Please? Sobrang malaki na ang utang na loob ko sayo, pero pag tinulungan mo pa ko, grabe talaga, baka pati buhay ko ready ko na ibigay para sayo. Hahaha. Ano raw? Basta, patulong sa best friend mo ah?

Sobrang thankful talaga ako at naging kaibigan kita, Donna! Iha-hug kita sa susunod na magkita tayo! Haha!

Love,
Sebastian "Basty"

**sent

Dear You [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon