Chapter 57- [Revelation]

120K 2.1K 169
                                    


KADE's POV

I saw Hanna sleeping. Tss. Such a lazy wife. "Hanna. Wake up." I tapped her thigh. Natutulog pa din sya. And she even managed to cover her head with a pillow.

"Five minutes." She moaned.

Damn that moan. Bigla ko tuloy naalala yung gabi na napuno ng ungol yung kwarto namin.

Yes. Kwarto namin. She owns my room now, too. At yung kwarto nya? Eto, ginagamit pa din nya. She would sometimes sneak into my room in the middle of the night para doon makitulog.

Did we made love again? No. Not again.

Hindi ako nanghihinayang because there's a heck lot of time to do that in the future.

"Honey, naka-ilang five minutes ka na." I sighed. Tsk. Male-late na talaga kami.

Dumilat sya at tumingin sakin. "Argh. Weekend naman diba? Walang pasok." She uttered while strands of her messy hair are covering her beautiful face.

"Baby, remember that we're going to look for your gown today?" I reminded her.

Bigla naman syang bumangon. I'm telling you, she looks so cute.

"N-NGAYON NA YON?!" She immediately stood up.

"Yes my love. Get dressed. Aayusin ko lang yung sasakyan. Bumaba ka pagtapos mo para sabay tayong mag almusal."

Hindi na nya pinatapos yung sasabihin ko at pumasok na kaagad sa banyo. Siguradong magmamadali syang maligo.

I think I'll get used to my childish wife.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


HANNA's POV



"CR lang ako Kade." Pagpapaalam ko sa asawa ko.

Nasa mall kami at kasalukuyang naghahanap ng gown at accessories para sa Prom Night namin sa M.I.A. Syempre first time ko mag Prom sa M.I.A. at sya pa mismo ang Prom Date ko.

Nakapamili na sya ng suit nya nung isang linggo pa. Ang daya nga eh! Nalaman ko na lang na may susuotin na sya at ako ay wala pa. Eh kasalanan ko ba na may hinahabol akong deadline sa projects namin at sya ay tapos na?

Hay nakooo. Ang hirap pag masyadong matalino ang asawa mo. Hindi ko pa naaanalyze ang tanong ng teacher, alam na nya kaagad ang sagot.

Kesyo ako daw ang naging inspirasyon nya kaya mas nagsisipag sya mag aral. Inspirasyon ko din naman sya! Bakit hindi ako tumatalino? Slowpoke pa din ako. Ouch.

Nagretouch ako sa harap ng half-body mirror sa CR ng mall na ito. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Well, maganda pa din naman ako tulad ng dati. Pero naging maalindog na ako ngayon. Hihi.

I washed my hands for cleanliness. Chos.

Napatigil ako ng may narinig akong umiiyak sa isang cubicle. Unti-unti akong naglakad papunta sa naturang lugar.

Nagkagulatan pa kami ng babaeng pamilyar sa akin nang buksan nya ang pinto ng cubicle kung saan sya galing. Namumugto ang mata nya at halatang puyat din sya.

Napaatras ako nang bigla nya akong niyakap at umiyak sa balikat ko.

"H-hanna...." She murmured my name. Ano kayang problema nya? Alam kong malaki iyon dahil napakatapang nyang babae at bihira lang syang umiyak.

His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon