[Si Hanna po yung nasa Multimedia. :D]
HANNA's POV
"KADE?!!" Sya?! Sya yung yumakap sakin? At ano naman kaya ang motibo nya at bakit nya ko niyakap, and take note, hinalikan?
"Bakit mo ko niyakap ha?!"
"Because I just want to. Masama ba?!" Aba, sya pa galit!
"Why did you kissed me? Ikaw na nga ang nagnakaw ng first kiss ko, pati second kiss, sayo padin?!"
"Buti naman at umuwi ka pa! Kasama mo na naman pinsan ko no?" Pag-iiba nya. Uyy. Nagseselos!
"E ano naman sayo?" Nakaupo pa din sya sa sofa. Ewan ko ba kung bakit sya nakapikit. Para bang pagod na pagod sya.
"Aakyat na ko." Umakyat na ako sa hagdan pero hinabol nya ako.
He grabbed my wrist and pinned me against the wall. Doon ko lang nalaman na medyo amoy alak sya. Kaya siguro wala sya sa sarili nya ngayon.
"Ano ba Kade? LET ME GO!!" Nagpupumiglas na ako sa kanya. But he's so strong.
He just looked at me straight to the eye. Para bang may sinasabi sya sa utak nya habang tinititigan nya yung mga mata ko. Matutunaw na ata ako sa mga titig nya. Biglang bumaba yung titig nya sa lips ko. NAKAKAILANG.
"K-Kade ano ba. Bitiwan m-mo na nga a-ako." Mahinang sabi ko. Eto ang ayaw ko eh. Yung sya ang tumitingin sa akin. Kapag kaming dalawa nga lang dito sa bahay, di pa ako masyadong sanay. Eto pa kayang sobrang lapit namin sa isa't-isa?
Nagpatuloy lang sya sa pagtitig sa mga labi ko. Nakakanginig pala to. Pati mga tuhod ko, nanginginig na ng sobra. Pero mas lalo akong kinilig ng haplusin nya yung mga labi ko. Parang gusto ko sya sunggaban at halikan ngayon. Right here.
Kaya lang, mahal nya kaya ako? Yung ang isang tanong na araw-araw kong naiisip. Kasi sa totoo lang, hindi naman sya maggigirlfriend kung may asawa na talaga sya diba? Alam ko namang wala talaga akong laban sa bruhildang si Eliza eh. Sya, mas matagal nyang nakasama si Kade. Ako, ilang buwan pa lang kaming magkakilala. Di hamak din naman na mas maganda, mas sexy at mas may breeding si Eliza. Di tulad ko. Si Eliza yung tipong unang-una mong mapapansin sa class picture. Ako naman yung tipong nasa pinakagilid, katabi ng logo ng school. Ganun ang comparison ko sa aming dalawa. Kaya naman, no doubt na mas pipiliin sya ni Kade.
BINABASA MO ANG
His High School Wife (ON-GOING)
Storie d'amore[Yes, still on-going for 7 years.] #1 in Romance || Multiple Highest Ranker under Romance Category. Thank you! ♥ ~ "I choose to love you in silence. Because in silence, I found no rejection." -Kade Montecort ♡ ~ "I wish that I could open my heart a...