Chapter 67- [Believe]

131K 2.2K 128
                                    

Note: Hello sa mga readers ko na patient maghintay ng updates ko. Pati sa mga new readers na tinatadtad ang notifs ko ng votes. Hahaha. Maraming maraming salamat po sa inyo!



PS.
Nabura yung unang draft na ginawa ko for this chapter. So... que sera sera. Hihihi.



Loves,
Anya.









~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~








HANNA's POV





Namutla ako nang maalala yung sinabi ni Kade halos isang linggo ng nakalipas. Buti na lang at hindi na nya binabanggit ang tungkol pa doon.




Naku! Kung alam ko lang, nagstock na ako ng isang toneladang condoms at lumaklak na sana ako ng kilo-kilong pills.




Of course I want a child. But not now. Mas maigi na yung pareho kaming handa para mas maalagaan namin yung magiging future babies namin.



Ewan ko ba naman kasi sa sarili ko eh. We made a promise na hindi na muna ulit kami gagawa ng 'ganun' pero anong nangyari?



Ako pa yata yung medyo unang nag-initiate. Nakakahiya!



But seriously, I never had any regrets. Normal lang naman na mangyari yun diba? Wag lang talaga gawin frequently. Hihihi.



"Yah! Ngumingiti ka na naman dyan ng mag-isa." Sita sa akin ni Rina.



Lalo pang naningkit yung mata nyang natural na ang pagka-singkit. Natawa tuloy ako lalo.



"Sheesh. Ganyan ba talaga kapag nakatikim na? Ew." Halos masuka-suka nyang sabi.





Hay nako, Rina.
Once you got fúcked, you'll never go back.







Agad akong napahawak sa bibig ko. Kahit na hindi ko binigkas ang mga katagang iyon, feeling ko na-pollute na ng husto ang utak ko. Kasalanan ito ni Kade eh!



"Haaaay. Ewan ko sayo. Nababaliw ka na yata talaga." At lumayo na sya sa akin habang tulak-tulak ang shopping cart nya.



Nag ikot-ikot pa kaming dalawa sa buong department store. Treat daw nya so how can I say "no"?





Aalis na kasi sya next week patungong Japan. She will permanently live there. Sabagay, Japanese naman talaga itong naging bridesmaid ko nung kasal ko kaya hindi na ako nagdrama nung sinabi nyang sa Japan na sya mag-aaral ng college.





Nag-ikot pa kami papunta sa iba't-ibang boutiques hanggang sa halos pumutok na yung paa ko sa pamamaga sa loob ng sapatos ko. Basta! Feeling ko din may muscle spasm na ang binti ko.

It's already six. Nang makaramdam na kami ng matinding pagod, niyaya ako ni Rina sa isang Chinese Restaurant pero tumanggi ako kasi ayoko ng amoy ng Chinese cuisene.





Bottomline, sa Greenwich kami nauwi. Umorder kami ng pizza para aming dalawa, lasagna para sa kanya at carbonara naman para sa akin. Habang naghihintay kami ng order ay naramdaman kong nag-buzz ang phone ko. Napangiti ako sa pagkabasa ng text sa akin.




From: Kade
Text me pag magpapasundo ka na. Meeting will end for half an hour. Love you.




Nasa company meeting kasi sya ngayon. He is now obliged to be trained by his father. Hindi naman sya pinipilit na i-takeover na ang kompanya dahil masyado pa syang bata para doon. Hindi pa din naman magreretire ang daddy nya at sinasanay lang talaga si Kade sa ins and outs ng kompanya. Si Cassie naman ay itetrain pag nag 18 na ito. Sabagay, silang dalawa naman talaga ang magmamana sa pinaghirapan ng pamilga nila.




His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon