Chapter 27.1- [Day 2: Runaway]

150K 3.1K 122
                                    

HANNA's POV



ANG SAKEEETT! T_T

Katangahan ko talaga, ang galing tumayming. Malay ko ba na babagsakan ng vase yung paa ko. Sakto pa talaga. Aish. Sana naman gumaling na to kaagad. Kainis kasi tong si Kade eh. Binigyan lang ako ng first-aid kit tapos iniwan din kaagad ako. Nilagyan ko nga lang ng Betadine eh saka nilagyan ko na din ng benda. 

Si Kade, ayun, bitter pa din sa akin. Di ko ba alam sa kanya. Kung kailan ako mag-eexplain kung bakit ko sya di pinapansin, saka naman sya tinopak. Sya naman yung di pumapansin sa akin tapos ako naman tong parang aso na sunod lang ng sunod sa kanya.

Pero iwas talaga sya eh. Ni hindi man lang talaga ako kinakausap. As in. Kahit tanungin ko ng kahit anong tanong, hindi talaga sya sumasagot. Ewan ko ba dun.

Medyo umimpis na yung pamamaga ng paa ko. Naalala ko kasi yung ginawa sakin ni Mama dati, nilagyan nya ng yelo kaya yun na din yung ginawa ko. Effective naman, in fairness. 

Bumaba na ako para magbreakfast. Nakita ko na rin sya na kumakain na. Pero parang galit yung facial expression nya na ewan. Naka-uniform na din sya. 

Eto pa isa sa mga problema ko eh-- kung paano ako papasok. Hindi ko naman pwedeng lakarin hanggang sa school. Siguradong mamamaga na naman tong paa ko.

"Good morning." Sabi ko sa kanya. With matching smile pa. Baka sakaling pansinin na nya ako.

Tumingin lang sya sa akin. Expressionless. Tapos bumalik na ulit yung atensyon nya sa kinakain nya.

Umupo ako sa upuan katapat ng sa kanya. "Uhm... Kade." Di pa rin sya tumitingin, diredirecho lang sa pagkain nya. "Baka pwedeng sumabay ako sayo. Kahit hanggang dun lang malapit sa school. Hindi ako magpapahalata, PROMISE!"

He stopped for awhile, then looked at me. Then he smirked. "Ayaw kita makita sa ngayon, Hanna." Then he continued eating again.

I was shocked for what he just said. Parang may malaking kasalanan akong nagawa sa kanya.  "S-sige na naman. Ngayong araw lang t-talaga. Baka kasi mamaga tong paa ko pag naglakad ako hanggang school eh."

His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon