Note: Can't I have other comments rather than "UD NA PO PLEAAAAASUE~"
Comment about the story please :(
Nakakapressure din ang mga pamemesyur nyo :(((
Ako nga,halos dalawang buwan ko hinihintay na mag-UD ang "The Unreachable Wife" eh. Patience is a virtue mga bibi. Ok? :)
-P.S. Sino gustong i-add ko sa fb?
*sings "For The First Time In Forever"*~Anya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~THIS STORY IS STILL UNEDITED.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HANNA's POV
"Hija, umupo ka at mag-almusal ka na." Sabi ni Nana nang lumabas ako ng kwarto ko.
Tinanghali ako ng gising at buti na lang, bukas pa ang simula ng trabaho ko.
Umupo ako sa kahoy na dining chair habang pinagmamasdan si Nana na naghahain ng pagkain. "'Na, bakit po hindi ko nakikita yung ibang boarders dito?" Pagtataka ko.
Totoo naman eh. Wala pa akong nakikita na ibang boarders. Ang alam ko, tatlo kaming nangungupahan ng iba-ibang kwarto sa transient house na ito.
Umupo si Nana sa upuan katapat ko. "Yung isang kwarto, bakla ang nakatira dyaan. Baka hindi mo lang sya naaabutan kasi gabi ang trabaho nun. Sa isang kwarto naman, dalaga na hinihintay ang flight nya para bukas. Ang sabi nya ay mag aabroad daw sya sa Canada. Dito na sya tumuloy ng ilang linggo para ilang oras lang ang byahe papuntang airport."
Napatango na lang ako sa sinabi ni Nana.
Pinilit kong kumain kahit na medyo busog pa ako. Wala din kasi akong gana kumain at inaantok pa ako even though I had excess hours of sleep.
Pagkatapos ng almusal ay nagpaalam ako kay Nana na aalis ako. She bid me goodbye and asked me to take care of myself.
I took a quick shower and dressed myself in a pastel pink knee-high dress and a thick jacket. I wore my flats because I'll feel comfortable in this.
Even though I feel dizzy, kailangan ko pa din umalis dahil may pasok na ako bukas. Sayang ang isang araw kung sasayangin ko lang sa paghiga maghapon.
Paglabas ko na bahay ay naglakad ako papunta sa mismong labasan. Medyo tago na kasi ang bahay na ito. May gate pa ito na gawa sa kahoy pero maganda naman tignan.
Agad akong lumingon nang maramdaman ko na parang may mga mata na nakamasid sa akin. I looked around with so much alertness. Pero wala namang ibang tao sa kalye.
Tsk. You're just being paranoid, Hanna!
I shrugged and walked faster, ignoring my stupid instinct. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa isang clinic. Isa itong specialty clinic na alam kong makakatulong sa akin.
When I paid for the fare, huminga ako ng malalim nang tumingin ako sa entrance ng clinic. May kalakihan ito at malinis at komportable.
I stepped inside as my heart thumped against my chest. I cannot believe that I am inside this kind of place na ako lang mag-isa.
BINABASA MO ANG
His High School Wife (ON-GOING)
Roman d'amour[Yes, still on-going for 7 years.] #1 in Romance || Multiple Highest Ranker under Romance Category. Thank you! ♥ ~ "I choose to love you in silence. Because in silence, I found no rejection." -Kade Montecort ♡ ~ "I wish that I could open my heart a...