HANNA's POV
I woke up feeling nauseous. I slowly opened my eyes and tried to sit. Masyado ko na talagang nararamdaman ang morning sickness ko.
After a while, I stood up lazily. Agad akong tumakbo papunta sa CR at doon na ako nagsuka.
"Baby, 'wag mo naman pahirapan si Mommy." Bulong ko habang hinahawakan ang tyan ko.
Agad kong kinuha yung gamot na nasa bedside table ko. Pang-alis 'to ng pagkahilo na nireseta sa akin ng doktor.
Kumuha ako ng damit sa closet and went to the bathroom para maligo. I got in a pastel pink dress na hindi masyadong hapit and I put my hair in a neat ponytail. Hindi pa naman masyadong lumalaki ang tyan ko. I'm currently 10 weeks pregnant at hindi pa halata.
Bababa na sana ako para mag-almusal nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. I got shocked when I saw Kade, wearing his gorgeous smile.
Agad na bumilis yung tibok ng puso ko.
I swear, kumpleto na kaagad ang araw ko."Good morning." He gave me his sweetest smile.
"W-what are you doing here?" Pagtataka ko.
Napakamot sya sa batok nya, blushing. "I'm here to visit my future wife."
Ang cute cute nya, nakakainis! At halos namumula na ako sobrang kilig dahil sa sinabi nya.
"How are you so sure na sasagutin kita?" I said, joking.
He held my hand and pulled me palabas ng kwarto. "I'll make sure na sasagutin mo ako, Hanna." He whispered to my ear and planted a quick kiss on my cheek.
Grabe talaga! Kinikilig na ako ng sobra, baby. Kaso hindi ko muna sasagutin si Daddy mo kasi kailangan nya tayong paghirapan.
I giggled. "Ang aga-aga, ang landi mo."
Tumawa din sya habang pababa kami ng hagdan. "You're the only woman I flirt with, honey."
Sigurado ako na nakita na sya nila Papa. Ano kaya ang nangyari habang tulog ako kanina? Ano kayang pinag-usapan nila?
Pagbaba namin ay nasa dining room na sila Papa. "Good morning, anak."
I greeted them the same before me and Kade sat on the vacant chairs. Magkatabi kaming dalawa. Si Papa ang nasa dulo ng mesa at nasa kanan nya si Mama at katabi nito si Hunter.
Hunter is wearing his school uniform. Sobrang cute nya at nakataas pa yung buhok nya dahil sa wax. "Ate, do I look pogi? Si Kuya gawa ng hair ko kanina."
"Wow. Ang pogi naman ng baby namin." Puri ko sa kapatid kong sobrang cute. Hihi.
At nag-fistbump pa ang dalawa. Kade is really fond of this kid. I'm pretty sure na matutuwa sya kapag nalaman nya na magkakaroon na sya ng sariling anak.
Tahimik lang kaming kumain. Si Kade ay lagay ng lagay ng pagkain sa plato ko. P-posible kayang alam na nya na buntis ako? Baka sinabi na nila Papa!
![](https://img.wattpad.com/cover/4450624-288-k622448.jpg)
BINABASA MO ANG
His High School Wife (ON-GOING)
Romance[Yes, still on-going for 7 years.] #1 in Romance || Multiple Highest Ranker under Romance Category. Thank you! ♥ ~ "I choose to love you in silence. Because in silence, I found no rejection." -Kade Montecort ♡ ~ "I wish that I could open my heart a...