HANNA's POV
Review... Review...
Kainis! Ilang beses ko ng binabasa tong pointers para sa long quiz namin pero wala pa ding pumapasok sa utak ko! ARRRGH!
"Basta pag unang kalampag ng ballpen, A ung sagot dun. Pag B naman, dalawang kalampag. Pag C, tatlo. Pag D, apat." Aish. Ang ingay nitong nasa likod ko. Pano pa kaya ako makakapagreview nito?!
"Okay, gets ko na. Pag True or False naman, Pag isang ubo, TRUE. Pag dalawa, FALSE. Basta ganun!" Psh. Isa pa tong katabi ko. Nagbulungan pa sila kung maririnig ko lang din. Haaays.
"Ano ba Tintin, Papat?! Ang ingay nyo kaya!" Iritang-irita na ako.
"Ikaw naman kasi, wag ka ng magreview! Magkopyahan na lang tayo. Di naman mahahalata ni Sir Barney yun eh!" Nakangusong sabi ni Tin. Tingnan nyo na. Iba-bad influence pa ako nitong mga to.
"Eh ayoko nga! Kargo de konsensya ko pa yan." Nakukulitan na talaga ako sa kanilang dalawa. Idadamay pa ako sa pagkokopyahan nila?!
"Ang sungit mo ngayon Hanna. Meron ka ba?" Eto na naman yung sweet voice ni Papat.
"BASTA! WAG KAYONG MAG-INGAY!! OKAY?!" Tinakpan ko na lang yung tenga ko.
"Eh wag ka na nga kasi magreview. Echos lang ni Sir tong quiz eh." Nakangusong sabi ni Tintin.
"Huh?!" Di ko ma-gets.
"Kasi, secret lang natin to ah." Lumapit pa ng konti si Patty. "Di daw kasi irerecord tong quiz." Pabulong na sabi nya.
"HAAA?! Buti na lang sinabi nyo." Pagpapasalamat ko sa kanila. Advantages talaga ng mga madadaldal. Una silang nakakasagap ng balita.
BINABASA MO ANG
His High School Wife (ON-GOING)
Romance[Yes, still on-going for 7 years.] #1 in Romance || Multiple Highest Ranker under Romance Category. Thank you! ♥ ~ "I choose to love you in silence. Because in silence, I found no rejection." -Kade Montecort ♡ ~ "I wish that I could open my heart a...