KADE's POV
"Sasama na lang kasi ako." Ang kulit talaga nitong babaeng to.
"Wag na! Ako na lang bibili ng materials na gagamitin natin para sa project, baka mali pa mabili mo eh. Hintayin mo na lang ako dito mamaya sa bahay. Wag ka ng gagala ha?! Pag-uwi ko na wala ka pa dito, lagot ka sakin!"
"Ikaw gagawa ng project?" Tanong nya sakin.
"Oo na, ako na gagawa. Mag-ayos ka na nga! Male-late ka na sa school."
"Ang daya kasi eh. Pupunta ako kay Papa next week. Magpapabili ako ng scooter."
"Edi magpabili ka. I don't care. Sige na. Bye na!"
|From: Eliza
babe, meet me later.|
I'm really starting to hate Eliza. Pero parang may nag-uudyok sa akin na mas dapat pa akong mapalapit sa kanya. I don't know why. She's not really a bitch-y type of girl, she's actually sweet... and seductive.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HANNA's POV
"Hanna dear, sige na. Si Pat nga pupunta eh." Pangungulit sakin ni Tin.
"Hay naku. Hindi nga ako pwedeng gumala ngayon." -_- Isang oras na nila akong kinukulit na sumama sa bahay ni Tin.
"Sige na. Sige na. Sige na. May Wi-Fi dun sa bahay nila!" Si Pat.
"Kahit anong pilit gawin nyo sakin, di pa din ako sasama. Ang yabang nyo kasi nakapagpasa na kayo ng project, samantalang kami, di pa."
"Haha. Sige na nga. Next time, sumama ka na ha? Sayang, nagpaluto pa naman ako kay mama ng talong." Sabi ni Tin.
"PROMISE! Next time talaga sasama na ako. Di talaga ako pwede ngayon."
"Sige na, bye na!" Sabi ni Pat.
"BYE! INGAT!" I waved goodbye to them.
Nasa labas na ako ng gate ng school. Makapunta nga muna sa Jollibee. Gutom na eh.
Pagpasok ko sa loob, syempre umorder na ko. Hehe. At syempre umupo na ko sa table sa tabi mismo ng entrance door.
BINABASA MO ANG
His High School Wife (ON-GOING)
Romance[Yes, still on-going for 7 years.] #1 in Romance || Multiple Highest Ranker under Romance Category. Thank you! ♥ ~ "I choose to love you in silence. Because in silence, I found no rejection." -Kade Montecort ♡ ~ "I wish that I could open my heart a...