Chapter 68- [Lies.]

102K 2.1K 160
                                    

Note: I am very overwhelmed that HHSW made it to "What's Hot" list under Romance Category! Maraming-maraming maraming salamat po sa inyo! :)



And! HAPPY 2MILLION READS!
Best Christmas gift ever!
MERRY CHRISTMAS! ♡



-A.






~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~






HANNA's POV





I waited for Kade to come home. I composed myself and wiped my tears bago sya dumating. I will just pretend na wala akong nakita. Baka nagkamali lang ako.


Hinanda ko na yung dinner na binili ko kanina. I know that he's hungry pagdating nya.


Tumigil ang tibok ng puso ko nang marinig ang pagbukas ng gate. Automatic gate ito kaya hindi na kailangan pang bumaba ni Kade para buksan ito. Narinig ko din ang makina ng sasakyan nya hanggang sa patayin nya ito.


"You got me worried." Saad nya bago ako halikan sa noo. "Bakit ka umuwi mag-isa?"


Umupo ako sa dining chair at umiwas ng tingin sa kanya. "N-napagod na kasi ako kaya di na kita nahintay."


Hinubad nya ang suot nyang coat at nilagay ito sa sandalan ng isa pang dining chair bago sya umupo sa upuan katabi ko.


"K-kain na tayo."


Naramdaman kong nakatitig lang sya sa akin habang kumakain kami. Tanging mga kutsara at tinidor lang ang maririnig sa buong dining room.


"Are you okay, honey?" Biglang sabi nya.


Tumango lang ako. "Wag mo ng iligpit yung pinagkainan. B-bukas ko na lang aayusin." Sabi ko bago ako tumayo. "M-matutulog na ako." At nag diretso na ako paakyat ng kwarto ko.


I can hear him calling my name pero hindi na ako lumingon pa.


I went to my room and locked the doors. Doon ko na pinakawalan ang mga luha na kanina ko pa pinipigil. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Hinayaan ko na lang na tumulo ang mga luha ko.


Ano na ang gagawin ko? Bakit kung kailan okay na kami, ngayon pa nagkaganito?


I heard him knocking on the door. Narinig ko din ang pagclick ng doorknob, senyales na nabuksan nya ang pinto.


I faced the other side of the door. Nakatalikod ako sa kanya at nanatiling hindi nagsasalita. Alam ko naman kasi na kapag nilambing nya ako, bibigay din naman ako. So what's the point?


"A-are you sure you're okay?" Nag-aalalang tanong nya.


I silently cry. "O-okay lang ako." Halos pabulong ko ng sinabi ko iyon.


Naramdaman ko ang mga labi nya na lumapat sa pisngi ko. Then, he sighed heavily. "I guess you're just tired." Nilagyan nya ng conforter ang katawan ko. "Good night, my love." Sabi nya bago umalis sa kwarto ko.



Ayaw nya din siguro makipagdiskusyon pa sa akin. I guess he's tired too. Napagod sya kasama yung babaeng yun.



It gave me a stinging sensation in my chest. Just thinking of Kade with another woman will make me feel sad and disappointed. Eh ano pa kaya yung nakita ko mismo sya?!



They are JUST happy. Their arms are JUST linking into one another. I'm JUST being paranoid.


Tama ba?


Gods know how much I love him. Nabigay ko na nga sa kanya lahat eh! And I'm willing to give anything I had left. Sobra-sobra pa.


Niyakap ko na lang ang sarili ko. I let myself cry until I fell asleep....


Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Tumingin ako sa orasan na nasa bedside table ko at nakita ko na alas10 na pala ng umaga. Agad akong naghilamos at lumabas ng kwarto ko.


Nasaan na kaya si Kade? Bakit hindi nya man lang ako ginising?


Pumunta ako sa tapat ng pinto ng kwarto nya. May kukunin kasi ako na gamit ko na nasa loob ng kwarto nya. I knocked pero walang sumagot. Baka naliligo sya.


Pinihit ko ang doorknob at pumasok ako sa loob. I can see how his clothes are neatly laying on the bed. May lakad siguro sya. Nasa loob sya ng banyo base na naririnig kong tubig na galing sa showerhead.


Hinanap ko yung gamit ko sa gilid ng kama. Hindi ko pa man nakikita but Kade's phone caught my attention.


CALLING...
ERIKA


Naestatwa lang ako habang nakatingin sa screen ng phone.


S-sino si Erika?


As if my hands has its own life, I grabbed his phone and answered the call. Hinintay ko lang na ang taong tumawag ang unang magsalita.


"Hello? Nasaan ka na?" Panimula nya.


Hindi ako nagsalita at wala akong balak na magsalita.


"Baby? Bakit hindi ka sumasagot?"







I bit my lower lip, trying to supress my sobs...

"Look. If you don't wanna talk, fine. I just want you to know na hinahanap ka na ni Daddy. Go here ASAP, 'kay?" Then she ended the call.


I was left dumbfounded. Hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. Hawak ko pa din ang phone habang umiiyak ako.


P-pinagpalit na ako ni Kade...
Meron na syang iba...


The fact kept on hammering inside my head. He lied. He lied to me. His feelings towards me aren't real. Those were fake.


When I heard na palabas na sya ng banyo, nagmadali na din akong lumabas ng kwarto nya at iniwan ang phone kung saan ito eksaktong nakalapag kanina. Agad akong bumaba sa sala at nanood ng TV na parang walang nangyari.


I will not confront him. Hahayaan ko na sampalin nya ako ng katotohanan na nagsinungaling sya, sa panahong handa na sya at pagod na sya sa pagpapanggap nya sa akin.


Nakabawi na ako sa pag-iyak ko nang bumaba sya. He's dressed in his usual executive attire. But there's a part of my head reminding me na para kay Erika ang pagporma nya.


"May lakad ka?" I asked him.


Tumango lang sya habang inaayos ang tie nya. "Have you slept well? Hindi na kita ginising because I thought you really might need to rest."


Tumango lang ako sa tanong nya.


Tumayo ako at lumapit sa kanya nang makita kong nahihirapan syang ayusin ang necktie nya.


I can sense his deep stares. Umiwas na lamang ako sa mga titig nya at tinuon ang pansin ko sa pag-ayos sa kurbata nya. "There. Maayos na." Sabi ko.


Naramdaman ko ang paggapang ng kamay nya paikot sa bewang ko. "Thank you, honey."


Tumitig ako ng deretso sa mga mata nya. Those eyes that made me believe in all his lies. "I love you..." And I mean it.


Mahal ko sya. Wala na akong pakialam kung magmukha akong martir. Mahal ko sya. Mahal na mahal ko si Kade...


"I love you too..." Liar.











[TO BE CONTINUED]
VOTE || COMMENT || FOLLOW

His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon