Chapter 20- [Operation: Make Him Jealous]

164K 3.2K 43
                                    

HANNA's POV

*2 weeks later*

Hayysssss. Ilang linggo na rin ang lumipas, hindi pa din kami nagpapansinan ni Kade. Pag gumigising ako sa umaga, wala na sya. Lagi syang maagang pumapasok sa school. As if naman, pag-aaral ang lagi nyang inaatupag pag pumapasok sya ng maaga. E nakikipagflirt lang naman sya sa Eliza na yun. Pag sa loob ng classroom, hindi nya rin ako pinapansin. Hayyss. Pag umuuwi naman ako sa bahay, nasasaktan lang ako kasi lagi syang madaling-araw umuuwi. Ang hirap pala. Sobrang hirap.

Inaamin ko na nagseselos ako pag nakikita ko sila ni Eliza. But there's nothing I could do about it. Ibinaling ko na lang sa iba ang atensyon ko. Sa pag-aaral at sa mga kaibigan ko. 

Today is just another typical day. Late na naman ako, as usual. Ano pa bang bago?

Hindi na nga ako nagbreakfast kanina eh. Sobrang late na.

Pagdating ko sa school, di pa naman pala ako masyadong late. Nasa labas pa kasi yung mga estudyante eh. Di pa siguro nagbebell. But I noticed that they're staring at me. Yung iba, ang sama ng tingin. Yung iba naman, nakangiti lang.

Pagdating ko sa room namin, mas lalong dumami yung tao. Ano ba talagang meron dito! >_<

"Uhm... EXCUSE ME! EXCUSE ME! DADAAN ANG MAGANDA!" Sigaw ko. Hehe. Maganda talaga ako no. ^_^

Sa sigaw kong yun, napalingon silang lahat sa akin. Nagulat sila, to be exact.

"Andyan na sya!" Sabi ng echoserang frog candidate number one.

"I can't believe sya pa ang nagustuhan ng Prince Charming ko! T_T" Todo iyak naman si echoserang frog candidate number two.

"Padaanin nyo! Padaanin nyo! Kukuhaan ko sya ng picture! Pang Instagram din to no." Singit naman ni echoserang frog candidate number three.

Pumasok ako sa loob ng room namin. Andun lang sila Tin, Pat at ang mga kaklase namin. Para bang nakalunok sila ng matamis na candy na ewan. -_-

His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon