Chapter 58- [Run]

112K 1.9K 68
                                    

FIRST PART WRITTEN IN THIRD PERSON POV.




"You are adopted."

Natulala si Daniel sa sinabi ng kanyang ama.

Ampon sya?!

Napasabunot sya sa kanyang buhok. Frustration can be seen in his eyes. "Nice joke." He said to his father with sarcasm.

"I was unable to bear a child." The man told him.

Ngayon, naniniwala na sya sa sinasabi ng ama nya... ng kinilala nyang ama. Sa kabilang bahagi ng utak nya, gusto nyang matuwa. Matuwa sa realidad na hindi talaga sila magkapatid ni Eliza at maari na nyang mahalin ang dalaga.

Nagsalita ulit ito. "Nakilala ko si Cynthia hanggang sa minahal ko sya." Bakas ang pagmamahal at pangungulila sa mata ng kanyang ama. "Nakapangasawa si Cynthia ng isang Amerikano. Binugaw sya ng mga magulang nya at ipinakasal sa lalaking iyon." Nasaksihan nya kung paanong kinuyom ng kanyang ama ang kamao nito.

"So we are her second family?" Daniel asked.

Marahang napatango ang nakatatandang Montecort. "Tinakas ko sya sa asawa nya."


***flashback***

"Cynth, come on! Bilisan mo!" Inabot nya ang kanyang kamay sa babae.

Umiling ito. "S-si Eliza.. Y-yung anak ko! Hindi ko sya iiwan. Isasama ko sya!" Pagpupumilit nito.

Narinig nila sa malayo ang isang sigaw. "CYNTHIA!!! YOU BITCH! I KNOW YOU'RE HIDING!"

Lalong naiyak ang babae at napatingin sa kanya. "Y-yung anak ko... B-baka saktan nya si Eliza." Tuluyan na itong umiyak.

"Tara na! Babalikan natin sya. Mayaman kami Cynthia. I have connections. Ipapakuha natin ang anak mo!" He held her soft hand as he looked at her teary eyes. "Kailangan na nating lumayo dito. Sasaktan ka nya ulit." Napatingin ang binata sa braso ng babae. "Gusto mo bang madagdagan ang mga latay mo sa katawan?! Hanggang kailan ka magtitiis Cynthia?"

"Y-yung anak ko..."

"Babalikan ko sya dito bukas. Pangako ko iyan sayo." Tuluyan na nyang niyakap ang babae.

"S-salamat..."

Hinaplos nya ang buhok nito. "Ssshhh.. Gagawin ko lahat para sayo. Mahal kita. Mahal na mahal kita..."

Matagal pa silang nagtago sa likod ng puno na iyon. Madilim ang gabi at hinintay nilang makapasok sa loob ng malaking bahay na bato ang asawa ni Cynthia. Habang palayo sila, isang iyak ng babaeng sanggol ang narinig.

Hindi na nagawang lumingon pa ni Cynthia. "A-anak ko... Babalikan kita..."

***end of flashback***

"Hindi na namin nabalikan si Eliza. Dinala na sya ng ama nya sa Amerika. Your mother got depressed that time." Napabuntong-hininga ang lalaki. "Within a year, we got married. Minahal nya ako. When we found out that I was unable to make a child, we adopted you. You were 2 years old nung inampon ka namin." Napatingin ito sa kanyang mga mata.

Daniel smirked. "Kaya ba hindi sa akin kinasal si Hanna? Kasi magkaiba ang dugo ko sa inyo nila Kade? Is that it?" Tanong nya sa ama.

His father sighed. "Yes son. Hindi ko masabi sayo. I know that you like Hanna. But she---"

"Mahal ko si Eliza." Pag-putol ni Daniel.

"Hindi kayo magkadugo ni Eliza, anak." Tinapik ng lalaki ang balikat nya. "Ang problema lang, baka magalit ang ama nya na ako yung lalaking tumakas sa dati nyang asawa."

His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon