Chapter 4- [What Happened When You're in LAB.]

221K 5K 170
  • Dedicated kay Christine Talagtag
                                    

HANNA's POV

Ano ba yan! Anong oras na ba?

Bakit ako na lang kumakain dito sa canteen?

Badtrip kasi sila Tin & Pat. Sabi lang nila magsi-CR lang sila. Tapos, AYUN! Di na bumalik.

Napalingon ako sa malaking clock na nakasabit sa bandang left side ng canteen.

3:45 na pala!! 3:30 yung time namin sa Physics! 15 minutes na kong late?!

Sinalpak ko na lahat ng pagkain sa bibig ko at kumaripas na ako ng takbo.

TAKBO! HANNA! TAKBOOOO!!!!!!!

Nag ala-ostrich ako sa bilis ng takbo ko. Bakit ba hindi ko napansin na ako na lang yung kumakain sa canteen? Kainis lang.

"SORRY I'M LATE!" Sigaw ko ng pagpasok ko sa lab.

"It's Okay. Next time, be on time para wag ka ng makaabala sa iba." Malumanay na sabi ni Mrs. De Jesus.

"Yes Ma'am." Nakangiting sabi ko sa kanya. Buti na lang talaga mabait tong teacher namin.

"Sit on the vacant stool dun sa dulo." She said.

Asan na ba sila Tin & Pat. Ayun! Binigyan ko sila ng death glare.

Umupo na ko sa isa sa dalawang stool na vacant sa bandang pinakadulo ng room. Lagi lang kami sa classroom naglelecture at ngayon pa lang ako nakapunta sa Lab. Tinopak ata si Ma'am na dito mag turo.

Pag-upo ko sa isang stool, biglang bumukas yung door.

HAYYNAKO.

Bakit pa ba kailangan ko pang makita yung pagmumukha nitong lalaking to?! Di ba pwedeng mag-disappear sya ngayon?! -__-

Nakasukbit lang yung bag nya sa likod nya. At diredirechong umupo sa stool na nasa tabi ko. Nakasunod lang ng tingin sa kanya yung mga kaklase ko saka si Ma'am (na parang no choice na talaga at si Teacher pa ang nagpapasensya sa kanya. Psh.)

Okay lang ba to? Hindi man lang binati si Ma'am. YABANG talaga.

"Well then, I guess everyone's here." Sabi ni Ma'am. Lahat na lang ata ng teacher dito sa school, pinagbibigyan na lang sya. Palibhasa, sila may-ari nito.

Yabang talaga nitong lalaking katabi ko. Nakasukbit padin yung bag nya.

"Ibaba mo nga yang bag mo." Bulong ko sa kanya.

"......" No response.

"Sabi ko, ibaba mo yang bag mo! Nakakairita eh!" Lumingon ako sa kanya. Nakatingin pa rin sya ng direcho. Mukhang tutok na tutok sya sa pakikinig kay Ma'am.

"....." NR paden.

"Uy, Yabang!"Nakalagay yung siko ko sa table at yung baba ko ay patong sa kamay ko. Nakatingin padin ako sa kanya.

Nagulat nalang ako ng bigla syang lumingon sakin.

G.R.A.B.E.

1/2 inch nalang siguro yung layo ng mukha namin sa isa't-isa.

GULP.

Natulala na lang ako sa kanya.

"Makinig ka nga kay Ma'am." Sabi nya na hindi man lang nilayo yung mukha nya. Titig na titig sya sakin.

OWMAY! Ang bango ng hininga nya, amoy Mentos.

"Oh, natulala ka dyan. Mentos, gusto mo?" Bumuga sya ng hininga nya.

"EWAN KO SAYO!" sigaw ko sa kanya. Saka tingin ng direcho sa harap. Makikinig nalang ako kay Ma'am. Mas may mapapala pa ako kesa makipag-interact sa walang kwentang tao na to.

"Class, for your project for the whole quarter, by two's tong project na to. Actually pinag-iisipan ko pa kung anong model ang ipapagawa ko sa inyo. Just look for your partners as for now. By the way, Kung sino na lang yung katabi nyo this day, will be your partner for the project."

"I think today is your lucky day." Bulong ni Kade sakin. Sya naman yung nakatingin sakin at ako naman yung direcho ng tingin. Psh... Bahala sya dyan.

"Baket naman?" Pagsusungit ko sa kanya. Hindi parin ako lumilingon sa kanya.

"Mukhang tayong dalawa ang magiging partners ah."

Lumingon ako sa kanya.

Shemay! Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. It's like a breath away.

GULP.

"Tayo na lang partners kasi tayo lang naman magkatabi dito eh. Oh, natulala ka na naman. Baka pinagnanasaan mo na ko ah." Sabi nya sabay smirk.

And he's leaning his face towards me.

*boogsh!*

Yes, I pushed him until he fell on the floor. Ang yabang eh!! Ano?! Suntukin ko na ba?!

Napatingin samin lahat ng classmates namin. I just held my laughter sabay tingin kila Tin & Patty. Alam kasi nila na matagal ko ng gustong makaganti kay Kade after he pushed me inside his car .

Pilit na pinipigilan ng mga kaklase namin yung mga tawa nila. Eh sino ba naman kasi ang hindi matatawa? E ako nga lang daw ang tao dito sa school na di takot dyan sa mayabang na Kade na yan.

Para kasing lasing si Kade nung bumangon sya mula sa sahig. Ang taas kasi ng stool chair tapos ang lakas ng tulak ko sa kanya. Malamang, malakas din yung impact. BWAHAHA!

Pagtayo nya, tinignan nya ng masama yung mga classmate namin. Tumigil naman sila sa kakatawa. Pati si Ma'am, napatigil din. Pati ako. Ang sama talaga ng tingin nya.. lalo na SAKIN.

Uh-oh

Mukhang alam ko na kung anong susunod na mangyayari.

He grabbed my wrist.

At saka nya ko kinaladkad palabas ng Lab. Naiwang napatulala yung mga classmates ko.

OH MY! Saan nanaman ba ako dadalhin ng mokong na to?



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
♡VOTE♡COMMENT♡FOLLOW♡

His High School Wife (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon