Chapter 16: Her Butler, Jealous

321 22 11
                                    

Grellen's POV

Abugbog ang inabot ko kay Madam sa buong ten minutes na nasa loob ako ng banyo. Hindi pa natapos ang pant-torture niya sa CR at nasundan pa nang lumabas kami.

Kulang na lang halikan ko ang paa niya para patawarin niya ako pero siyempre 'di ko gagawin 'yon! Ano, foot fetish ang peg?

Hindi ko naman ginustong tigasan, 'no! After all, lalaki pa rin ako na natutukso sa magagandang tanawin.

Nilagyan niya ng blindfold ang mata ko at pinaupo ako sa sulok. Huwag daw akong gagalaw kung gusto ko pa raw masilayan ang bukang-liwayway. Now, I know. May similarity rin sila ni Butiking Brenda. Pareho silang OA.

Siya mismo ang nagkabit ng prosthetic leg niya at matiyagang binihisan ang sarili. Halos makatulog ako sa kinauupuan ko sa tagal niyang mag-ayos.

Bakla ako at gaya ng mga babae ay ginagawa ko rin ang mga kaartehan nila sa buhay tulad ng pagm-make-up, pag-aayos ng buhok, etc. Pero grabe, kinarir na rin ni Madam ang pagiging artista! Ang tagal niya, myghad! Parang pupunta lang sa circus, e! It doesn't require you to appear more aesthetic.

Or at least that's what I thought.

Lumipas ang isang siglo at saka lang niya inalis ang telang nakatakip sa mga mata ko. "Get up, we're leaving," she commanded.

"Sa circus po?" paniniguro ko.

"Nope. We're going to that stupid ball," Madam replied.

Awtomatikong umangat ang ulo ko sa babaeng nakatayo sa harap ko. Suot ni Madam ang gown na nakalapag kanina sa ibabaw ng kama. It looks flashy on her but girl, she's so captivating as ever.

Medyo fit sa kanya 'yong upper part kaya makikita mo ang pagka-coca-cola body niya. Idagdag mo pa 'yong dibdib niyang halos lumuwa na sa sobrang lalim ng kanyang neckline.

Naku, ayoko nang tignan 'yong likod at baka tuluyan nang dumugo ang ilong ko!

Narinig kong pumadyak ang isa niyang paa. "Tutunganga ka na lang ba diyan?" nagtararay niyang sabi. Bumaba ang tingin ko sa kanyang paanan at bumulaga sa ang kaliwa niyang binti na iniluwa ng slit mula sa gown na suot nito.

Eh, kaya naman pala malakas ang loob niyang magsuot ng revealing na damit. Her prosthetic leg isn't visible in her outfit.

Hindi ko na pinatagal ang pagtitig ko sa makinis na binti ni Madam at agad akong tumayo. I'm on my way to the bathroom when she screamed once more.

"Hindi diyan ang exit!" aniya.

I know, right! Masamang makigamit ng banyo? Akala ko ba, nagbago na 'tong si Madam eh lalo pang naging demonyita!

"Alam ko," katwiran ko. "Maghuhugas lang ako. Nanlalagkit ako, e." Sabay turo ko sa gitnang bahagi ng pantalon ko.

Bigla niyang tinapon sa 'kin ang mamahalin niyang make-up kit sunod na hinagis niya ang iba pang mga kagamitang hindi ko na malaman kung ano dahil mabilis ang mga pangyayari.

"Don't remind me about your perverted doings, Grellen! It makes me sick!"

"AAAAAAH! Sorry na nga!"

"You don't have what it takes to be my butler, you rascal! Matagal na kitang gustong sesantehin, don't you know that?"

Sinalo ko ang huling gamit na ibinato ni Madam. "Then why can't you fire me?" sabi ko.

I walked towards her as I handed over that thing. "Is it because I'm giving you a hard on to your boobies to the point na pati bra mo eh itinapon mo rin?" Iwinagayway ko ang D-cup size niyang lace bra na kulay maroon.

The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon