Chapter 27: Her Butler, Allen

243 18 4
                                    

Brenda's POV

Flashback

I think I can remember the first time I met Grell Allen. We were in sixth grade at mag-isa akong nakaupo gilid ng grounds ng school, nayayamot panoorin ang mga lower level students na naglalaro ng garter games at habulan.

Ganito na lang ba ang buhay ko? Hay, tatlong taon na mula nang mag-transfer ako sa school na 'to pero wala pa akong naging kaibigan kahit isa. Yes, I'm an introvert. Mas gusto kong mag-stay sa isang sulok, magbasa ng textbook kaysa sumama sa mga classmates ko. 

Namana ko 'to sa kakambal kong si Barbara na nag-aaral sa private school na bahagyang malayo mula sa school ko. Bakit magkaiba kami ng pinapasukang paaralan? Para raw hindi malito ang mga teachers namin. 

Barbara and I are so much identical. From hair, bags and clothes, we shared the same look and attitude. Siya nga lang ang best friend ko, e. Magkasundo kami sa kahit anong bagay.

"Uy, maluwang sa pwesto na 'to. Tara na, mga dude!" sabi ng batang may buhok na hanggang balikat na kapapasok lang sa eksena. May dala-dala siyang skateboard at kasunod niya ang tatlong iba pa. Ngayon ko lang siya nakita sa school, siguro transferee siya.

Sabay-sabay nilang nilapag ang kanilang mga skateboard sa semento at mayamaya, nagkarerahan sila at inikot ang buong grounds. Masaya silang naglalaro, panay ang palitan nila ng ngiti sa isa't isa.

Ang kaninang pagka-urat ko eh napalitan ng excitement. Parang gusto ko tuloy i-try 'yan kaso nakakahiya. Mga lalaki pa naman.

"WAAAAAHHHH!!!" Mabilis ang mga pangyayari. The medium-length hair boy loses his control as he accidentally bumped into my direction. Bumagsak siya sa akin at pareho kaming natumba sa semento.

"Aray!"

"Ang sakit," reklamo ng bata hawak ang kanyang noo. "Ayos ka lang? Nasaktan ka ba? Sorry ha, hindi kita nakita," sabi niya habang sinisipat ako.

"M-Medyo nagasgasan lang pero wala ito. S-Salamat," mahinhin kong sagot sa bata na ngayon ay tinititigan ako. 

Binawi niya rin 'yon agad. "Sigurado ka?"

"Uhmn," sagot ko. 

Nilahad ng bata ang kanyang kamay at nagpakilala. "Allen nga pala. Ikaw, anong pangalan mo?"

"A-Angelica," nahihiyang tugon ko. 

Allen, bagay sa kanya ang pangalan niya. Hindi siya mataba pero malaman ang pisngi niya. Mahahaba rin ang kanyang mga pilik-mata, matangos ang ilong at chinito look din. Ang cute, para siyang may lahing Hapon.

Automatic na kinuha ni Allen ang kamay ko nang hindi agad ako nakipag-shake hands. "Nice meeting you." Mahihiya ang langgam sa sobrang tamis ng ngiti nito.

"Ako rin. Hehe..."

"Allen! Anong ginagawa mo diyan? Maglaro na tayo ulit!" sabi ng isa niyang classmate.

"Ah, oo!" Allen fled the scene quickly. Saktong dumating na rin ang driver at yaya ko upang ako'y sunduin.

Papauwi na kami ng bahay. Katabi ko sa taxi ang twin sister kong si Barbara. "Kamusta ang school, Angelica Brenda Vi?"

"Barbara naman, e. Didn't I tell you na Brenda lang ang itawag mo sa 'kin 'pag tayong dalawa lang?" nagtatampo kong sabi sa kakambal ko.

Madalas naming tinatawag ang isa't isa sa buo naming pangalan kapag meron kaming misunderstanding. Hindi naman siguro siya galit sa 'kin, 'di ba?

"Okay, Brenda." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti and I did the same thing as well. "Have you found something interesting to do while you were in school?" she asked for a hundred time without any clue that the answer will never be the same again.

The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon