Grellen's POV
Weekend. Hindi gaanong busy sa mansyon. Mag-isa akong tumatambay sa gazebo at nagpapalipas ng oras. Si Angela ang nag-asikaso kay Madam dahil 'yon ang utos niya kanina pagbaba niya.
I can't help but to think why did she have to ask Angela eh andito naman ako? Kung sa paliligo niya at pagbihis, syempre trabaho 'yon ni Angela. Mula kaninang umaga hanggang ngayong hapon, si Angela lagi ang bukambibig niya.
For what I remember, I heard my name from her mouth once and that's when she asked me to answer the phone call made by her sister. Pinapasabi ni Brenda kay Madam na pauwi siya from States at pansamantala munang titira sa mansyon for two weeks. Bukas daw ang kanyang arrival.
At pagkatapos kong ikuwento 'yon kay Madam ay agad niya akong pinaalis. Hindi naman siya 'yong parang galit. But something's wrong with her. I just don't know what it is. Maayos naman kaming nagkausap kagabi, ah. It's clear to me that she already forgive me for my immaturity in front of William last night.
Posible kayang hinudas na 'ko ni William kay Barbara? Wala akong tiwala sa salita ng isang 'yon. Malay ko bang binuking na niya ako kay Madam bago pa siya nagbitiw ng banta?
Quit thinking nonsense, Grellen. Yes, there's a possibility but the chance is too small. For almost three weeks, kabisado ko na ang ugali ni Madam. Once she finds out something, she won't hesitate to kick me from her house.
"You shouldn't have been born in the first place!"
Hindi maalis sa utak ko 'yong sinabi niya before she attempts to kill me with a knife. Kahit panaginip lang 'yon, ando'n pa rin ang takot na humahunting sa akin. Ano na lang kung totoong nangyari iyon, 'di ba? It was scarier than I thought it would be.
♫︎ Wag nang magpatumpik-tumpik pa
Boom karakaraka! (2x) ♫︎'Wag kayong ano, ringtone 'yan ng cellphone ko! Sino naman kaya 'to? Masagot nga. I didn't check the screen at basta ko lang tinap ang answer button.
"Hello, Grellen Baklang Binabaeng Gurlalu speaking," medyo bored kong bati sa caller.
"Si Ronald 'to," mahinang sabi ng nasa kabilang line.
"Oh, Ronald. Ikaw pala. Anong balita?" pangangamusta ko. Matagal siyang walang kibo sa telepono. "May problema ba?
"About pala kay Inspector, may nabanggit akong impormasyon tungkol sa agenda mo sa bahay ni Miss Durless. He squeezed me to death, he threatened me to spill everything or I'll be finished. Gagawa raw siya ng paraan para masibak ako.
"Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang pagkakaibigan natin, Grellen. Pero mahal ko rin ang trabaho ko at ito lang ang bumubuhay sa akin. Pasensya na," mahabang paliwanag ni Ronald bagay na nagbigay ng sagot sa katanungan ko kung paano nalaman ni William ang sikreto ko.
"Naiintindihan kita. Huwag kang shunga, hindi ako galit sa 'yo. Sadyang manipulative lang ang utak ng Pukeyamang 'yan kaya nagawa ka niyang takutin."
"Sorry talaga, ha. Hindi ko ginustong ilaglag ka kay Inspector."
BINABASA MO ANG
The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)
General FictionKung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaan...