Grellen's POV
Akala ko talaga paggising ko, okay na ako. Pina-prank lang yata ako ng lagnat ko. I slept for hours and here we go again. Ano, dito na ba ako forever?
Shuta naman! Paano ako makakapag-maneho nito? Ang bigat-bigat ng ulo ko! Hindi rin ako makabangon sa higaan! Pati si Madam ay nabulabog ko! Nakakahiya na sa kanya.
"Kumain ka kahit konti. Gusto mo yatang sa ospital ka sumahod, e. C'mon, Grellen. Kahit ilang subo lang para makauwi na tayo," ani Madam at 'di gaya kagabi, mas nahirapan siyang alagaan ako ngayong umaga. As in, bagsak ang katawan ko below sea level. Mas lagapak pa sa grades ng kapatid mong nagbubulakbol!
"Mhhmmm..." Pinipigilan ako ng bibig kong magsalita. Maliban sa ulo ko'y masakit na rin ang buong katawan ko.
"Madam Barbie, sigurado ka bang iu-uwi mo na siya? Eh, sa nakikita ko, mukhang hindi niya kakayaning mag-drive ng sasakyan niyo," sabi ni Jack na siyang naghatid ng almusal namin ni Madam.
"Who says he will drive? I'm gonna get a cab for us. Ipapakuha ko na lang 'yong kotse kapag maayos na si Grellen. Mas magiging komportable siya sa mansyon kaysa rito. Ewan lang kung nakabalik na 'yong isa naming servant pero ando'n naman si Mr. Tanaka para makatuwang kong mag-alaga sa kanya."
Strange. Don't tell me hindi siya marunong magmaneho? Nakikinig lang ako sa kanila at walang kibot sa kama.
"Traumatized ka pa rin ba?" banggit ni Jack na hindi ko masyadong na-gets. Trauma? Saan?
"Please, Jack. 'Wag mo nang ipaalala ang nakaraan," si Madam ang nagsabi.
"Yes and I'm sorry, Madam," said Jack.
Are they talking about what happened to her two years ago? The accident in which she lost her leg? If my guess is right, then I don't need to interfere.
Sa pagkatagal-tagal ng kanilang pakiusap, na-convince rin nila akong kaninin ang lugaw para naman magkaroon ng laman ang aking sikmura. Limang kutsara lang ang kineri ko at sumuko na ang lola niyo. Paiinumin pa sana ako ni Madam ng gamot kaso sabi ko, pag-uwi na lang namin sa mansyon.
On my estimate time mga thirty minutes, sinundo kami ng taxi na nirenta ni Madam. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga tauhan ng circus. Maybe I'll come back when things get better.
Lalo akong nahilo sa loob ng taxi. Maliban sa sarado ang mga bintana ay mahina pa ang aircon. Sumama lang tuloy ang pakiramdam ko.
I placed my head on the window. So I'm gonna suit myself for thirty minutes until we get home. 'Di naman kaya magsuka ako nito?
"Grellen, you alright?" usisa ni Madam na nakaupo sa backsteat katabi ko. Hindi ako kumibo.
Biglang may humawak sa balikat ko at hinihila ako nito palapit kay Madam hanggang sa tuluyan nga akong nadikit sa kanya. I forgot how to protest when Madam let my head rest on her shoulder. Hawak niya ang braso ko at marahang hinahagod.
"You'll be fine. I'm with you," she declared. I smiled bitterly.
Medyo nawawala na ng konti ang dizziness ko. Tuloy, parang ayoko nang umalis sa pagkakasandal kay Madam. I wanna stay like this for a half an hour or at least forever.
Ngayon ko lang naranasan ang alagaan ng hindi ko kadugo and I really appreciate it.
•••
Barbara Durless' POV
Watching my butler sleeping in my shoulder reminds me of the same scenario a long time ago. It was quite similar to this one.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)
General FictionKung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaan...