Chapter 29: Her Butler, Unveils The Truth

216 16 1
                                    

Grellen's POV

Hindi naging biro ang pinagdaanan namin ni Sir Tanaka bago kami nakapasok sa apartment complex. Mahigpit ang security sa entrance at tanging mga occupants lang ng unit ang pinapayagan nilang lumabas-masok sa building.

We searched for the easiest access and there we go. Dumaan kami sa emergency exit na nasa likod ng malaking gusali. Bale nag-ala Jason Bourne kami sa pag-akyat sa pader bago namin natunton ang mismong emergency exit na sinasabi ko. Thank gosh at walang guards sa likod nang dumaan kami.

Phew, may naitulong din pala ang pags-stalk ko kay William before.

Dahan-dahan ang pag-akyat namin ni Sir Tanaka hanggang second floor. Tapos, sumakay kami ng elevator until 15th floor where William's room was located. Syempre, nag-elevator kami. Alangan namang akyatin namin 'yong hagdan sa emergency exit hanggang 15th floor edi na-tegi ang beauty ko!

Charot. Baka hingalin ang kasama kong taga-FBI. Kawawa naman si Mang Kanor.

Room 158. We found the room at the end point of the 15th floor. 'Yong pinaka-malaki at ang kakaiba nito, sa lahat ng units na meron ang gusaling ito, tanging kay William lang ang may unique security feature. A palm-reading device.

"So pa'no natin masusuksok ang katawang-lupa natin diyan eh kailangan pala natin ang palad ng walanghiyang Pukeyamang 'yon?" nakataas-kilay kong binalingan si Sir Tanaka.

Naging gulat ang expression ng matanda. Sa badtrip ko'y nawala sa isip kong hindi pala sanay si Sir Tanaka sa mababangong salitang lumalabas sa bibig ko. Kasalanan mo 'to, William, e!

"Cover me," utos ni Sir Tanaka na pinagtaka ko.

"With what?" Kumibit-balikat ako at sinunod na lang siya.

He carefully examined the device. Pinag-aaralan niya kung paano namin magagawa'n ng paraan na makapasok sa loob. Wait, please don't tell me he's trying to...

May kinutingting siya sandali sa dala niyang bag. It's some kind of device na ewan ko kung saang lupalop ng impyerno niya nakuha. Sunod niyang nilabas ang laptop na 'di ko inexpect na meron pala siya no'n.

I'm not expert in computer bypass so don't count on me. Base sa nao-obserbahan ko, sinusubukan niyang i-hack ang device sa pinto gamit ang hacking skills niya na halos ikahimatay ko. Grabe, sish! Kinabog niya pa 'yong mga taga-cybercrime unit!

"Pamilyar ako sa system at software na ginamit dito kaya may alam ako sa pagbubukas nito. Hindi lang palm-reading device ang meron ang Sir William mo sa condo niya. Na-detect ko na meron ding mga listening device at sensors na naka-install sa loob ng condo unit. "

"What the? So kahit mabuksan natin ang pinto at malaya nating mapasok ang lungga ni William, posible pa rin niyang malaman na nandito tayo?" I asked in surprise.

"Oo," Sir Tanaka replied swiftly as he unplugged the device from his laptop. "Iyan ay kung magpapatumpik-tumpik tayo."

The beeping light on the palm-reading device has suddenly switched off. He slightly pushed the door and there you go, bukas na ang pinto.

"Wow! Iba ka talaga, Mang Kanor--ay este, Sir Tanaka. Hehehe..." Napalitan ng kahihiyan ang amusement ko. Shutang bibig 'to, ang daldal!

The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon