Chapter 24: Her Butler, Escaped

248 21 5
                                    

Barbara's POV

Tamang-tama sa mukha ko ang sikat ng araw. Agad na umatras ang ngiti ko nang sumariwa sa alaala ko ang mga kababalaghang nangyari kagabi, dito mismo sa kuwartong ito, sa loob ng bar na pag-aari ng kapatid ni Franka.

I'm alone in that room. Ang kuwartong ito na siyang saksi sa pagkakamaling nagawa ko. I did it. Sa unang pagkakataon, nadiligan ako ng isang estrangherong ni pangalan ay hindi ko alam.

He left me lying in this bed, completely nude with no cover. I found my clothes scattered on the floor just by seeing from my direction so I got up and picked them without noticing the strange pattern drawn all over my body.

Tumayo ako sa harap ng malaking salamin na katabi ng lumang cabinet doon. Pinagmasdan ko ang hubad kong katawan na puno ng pulang mantsa.

If I remember, dalawang beses niya akong nilagyan ng lipstick. Una sa bibig at pangalawa, sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Ang dungis ko... Ang dumi-dumi ko!

Unti-unting nanlabo ang paningin ko at napuno ng luhang nagbabadyang pumatak. Napahawak ako sa ulo at doon kusang bumigay ang mga tuhod ko.

"What have I done? What have I done?!" I cried the same words over and over. Hindi ako nag-iisip! Basta akong nagpadala sa pang-aakit ng taong 'yon gayong wala akong idea kung sino siya, taga-saan o kung sinong mga magulang niya!

My life ruined in just one night! Paano kung mabuntis ako? Sinong aako ng responsibilidad bilang ama ng magiging anak ko? Sino pang tatanggap at magmamahal sa akin nito?

Lalo akong kamumuhian ni Mom! Who knows what will happen if she finds out about this! Sa isang iglap, mawawala ang buhay na nakasanayan ko!

Natatakot ako... What am I gonna do?

•••

I tried to call Franka but she's not picking up. I guess I'll have to face it all by myself. Hindi pa ba ako sanay sa ugali ni Franka? She's only on my side when she needs something from me.

Kapag kailangan niya ng kasama sa galaan. But in terms of these situations? Hindi niya ako kilala.

Diring-diri man, pinagtiyagaan kong suotin ang damit na itinapon ng baklang 'yon sa sahig last night. Tiniis ko ang lagkit gawa ng pawis, laway at lipstick na pinagsaluhan namin nang gabing 'yon.

Wala nang tao sa bar paglabas ko ng kwarto. Tanging mga empleyado lang ang natira sa loob na abala sa paglilinis ng mga kalat. Ipinagtanong ko sa waiter kung nakita ba nila ang pouch na dala ko kagabi at agad naman niya 'yong inabot sa akin. He found it on the lounge where I spent most of my time with that guy.

I checked my belongings. Sangkatutak na missed calls ang natanggap ko pag-open ko ng cellphone. All came from the same person - my sister, Brenda.

Saktong nag-ring ang phone ko. Kinabahan ako. Should I answer her call or not? Alam ko sa sarili ko kung gaano kasama ang loob ko kay Brenda. Siya ang nag-ugat ng pagseselos ko kina Mom and Dad.

Inagaw niya ang atensyon na dapat ay sa 'kin. Siya ang laging bida sa mga mata nito at siya lang ang nakikita nilang tama sa paningin nila.

But I need a shoulder to cry on. Kailangan ko ng taong makakausap at tanging si Brenda lang ang puwede kong lapitan.

Nanginginig kong pinindot ang answer button. "Barbie, why aren't you answering my call? I'm worried about you!" alalang bungad ni Brenda sa telepono.

"B-Brenda... I..." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil inunahan ako ng mga luha kong walang humpay sa pagpatak.

The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon