Chapter 35: Her Butler, Resigned

362 22 4
                                    

Barbara's POV

Six months later...

Mag-isa akong kumakain ng almusal sa hardin kasama ang dalawang espesyal na tao sa buhay ko. They were surrounded by white and red roses. Ang ganda nilang pagmasdan sa malayo.

Georgia Barbara Rin Burnett
Grell Allen "Grellen Radcliff" Burnett

"Six months, seems like six days to me. Anim na buwan na akong nangungulila sa 'yo, Grellen. Nakakalungkot na hindi ko man lang narinig mula sa bibig mo na mahal mo rin ako." It's too late to find out na kanina pa pala ako umiiyak. "Kung nasa'n man kayo ng anak natin, sana masaya na kayo. I pray for the peace of your souls. Thank you for everything, Grellen."

Anim na buwan mula nang mangyari ang insidente sa Marina Campania na ikinasawi ng tatumpung katao, including Mr. Burnett, Alan, Sebastian Burnett and lastly, si Grellen.

Though, only his death is not confirmed since they never found any sign of Grellen's body. Wala ring nag-match sa dental records niya.

Nilinaw ng mga kaibigan nitong sina Eric at Ronald na sa isinagawang search and retrieval operation, wala silang nahanap na katawan ni Grellen. Sakali mang nakaligtas ito sa pagsabog, imposible na hindi siya matukoy ng authorities dahil nakabantay ang mga rescuer during the explosion.

Umasa ako ng ilang buwan, nagbabaka-sakaling bumalik sa akin si Grellen. Pinahanap ko siya sa lugar na posible niyang puntahan in case that he miraculously saved.

Sa huli, kabiguan lang ang napala ko. Since that day, mabigat sa loob kong tinanggap na baka wala na talaga si Grellen at kasama siya sa mga naiwan sa sumabog na barko.

"Madam, may package po kayo galing kay Madam Reika," bungad ng papalapit na si Angela dala ang kahon na may katamtaman ang laki.

"From Mom?" Pinagtulungan naming buksan ang kahon gamit ang gunting. We took the unnecessary cover at maingat kong kinuha ang laman ng kahon na 'yon.

Isang CD na may nakasulat na Only You, Only One: The Musical sa front cover. Aside sa CD ay may naka-attach ding official pamphlet ng nasabing musical.

These are my obsessions lately at malaki ang naitulong ng panunuod ko ng stage play and musicals para ma-overcome ang sakit dulot ng pagkawala ni Grellen. Kahit papa'no, nalilibang ako at nababaling sa iba ang atensyon ko maliban sa pagbisita ko sa circus.

Tinignan ko 'yong phamplet. Napansin ko kasi na parang may nakaipit na papel doon. I took the piece and paper and see what's written on it.

A newly released musical of OYOO in Tokyo. Brenda managed to get a recorded copy sa amigo niya na nasa Japan. Highly recommended! Uuwi nga pala kami ng Daddy Kendell mo this second week of January along with your sister. I wouldn't miss it for the world... To watch the last show. Take care, darling.

-Mom

Today's the start of second week for the month of January. She probably send this package one week ago. And yes, everyone is invited to come... Sa huling araw ng Euphoria Family Circus.

Ipinasa ko na ang ownership kay Mally na siyang manager ng circus after the incident. Si Jack ang kasalukuyang ringleader and the show is doing great since the girls came back. According to her, balak niyang i-expand ito into amusement center.

Meanwhile, tutulungan naman ako nina Mommy at Daddy na mag-isip ng puwede kong pagka-abalahan. Upang makabawi raw sila sa akin, sila na raw ang sponsor sa business na maiisipan kong itayo. Sa ngayon, pinag-iisipan ko pa kung ano bang magandang gawin. For sure, tutulungan ako ni Brenda pagdating diyan.

The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon