Barbara's POV
Nagkulong ako sa kuwarto matapos ang mainit na eksena kanina sa baba. I'm alone in my room, bursting my tears, crying out loud. I can't tell if this was tears of joy or dejection. Andoon 'yong saya at ginhawa ko. Finally, wala na sa landas ko ang lalaking sumira ng buhay ko. At the same time, I felt sadness for losing the only man I really need the most.
Kung pinili mong harapin sa halip na talikuran ang responsibilidad mo, wala tayo sa sitwasyong ito, Grellen. Ikaw ang punot-dulo ng lahat ng sakit na iniinda ko for two years! You deserve what you have right now!
I saw the broken picture frame I smashed last time. Hindi ko pa pala ito naitatapon kahit basag na.
"Grellen..." Bumagsak ang mga luha ko sa sirang picture frame. Mayamaya, narinig ko na parang may pumihit ng doorknob ng pinto. I pay it no mind. Pagod lang siguro ako.
"Alam kong andiyan ka sa loob at alam ko ring ayaw mo akong kausapin." The voice came from outside. Probably he's standing behind the door.
Si Grellen. He hasn't left yet?
"Pero bago man lang ako umalis, gusto ko lang malaman mo kung gaano ako ka-thankful na dumating ka sa buhay ko. You poured me with joy and love for three weeks and I cherished every single day with you. Hindi man maganda ang ending nating dalawa, I believe one day, muli tayong pagtatagpuin ng tadhana. Sa tamang araw at panahon kung saan pareho na tayong malaya at masaya."
I don't wanna see your face ever again, Grellen! I just don't!
"P-Pasensya ka na, ha? Pumalpak na naman ang butler mo," rinig ko ang paghikbi ni Grellen at sa 'di malamang dahilan ay tila nasugatan ang puso ko. "S-sana, makahanap ka ng matinong s-servant na aalagaan ka, dadamayan at mamahalin ng buo. Mamimiss kita, Barbara. S-salamat sa lahat. Paalam."
I heard nothing from him after that. My emotions went deeper this time. Mas malalim, mas masakit. I must be happy! Dapat matuwa ako dahil sa wakas ay nabigyang-hustisya na ang nangyari sa akin. Pero bakit ganito? Ang bigat-bigat sa pakiramdam na parang may nakapasang bato sa dibdib ko?
"Wala na si Grellen. Is this what you want, Barbara?" pangungumbinsi ko sa aking sarili. Hindi dapat ako magpaapekto sa desisyon kong palayasin si Grellen. Because that guy is just a butler.
•••
"Madam Barbara, nakahanda na po ang pagkain sa baba," paalala ni Mr. Tanaka na kakapasok lang sa aking silid.
"Wala akong ganang kumain," matabang na sagot ko. "Please clean up the food."
When I say "clean up", that means they can eat the food without me. To be honest, hindi ko sila pinagbabawalang kainin ang mga pagkain sa household. After all, they are considered as part of my family.
"Pero Madam, nag-aalala lang ako. Baka malipasan ka ng gutom at hindi 'yon mabuti para sa 'yo."
Pinasawang-kibo ko lang ang sinabi ni Mr. Tanaka. He might be thinking about my health and I know it's not good for my career since no one will handle my business if I got sick.
"Naiintindihan kong mabigat ang pinadadaanan mo pero hindi maganda na pinababayaan mo ang iyong sarili dahil sa pag-alis ng isang servant," Mr. Tanaka just added to his statement.
I agreed to him. "Yeah, I think you're right. Grellen is nothing but a mere servant."
My ears followed his footsteps. He walked closer to the couch where I was sitting. "Wala ako sa posisyon na makialam sa personal mong buhay. Nais ko lang malaman ang dahilan kung bakit mo ginawa 'yon."
"Ang alin?" tanong ko nang makasiguro.
"'Yong pera sa maleta ni Grellen. Ikaw ang naglagay n'on, hindi ba?"
BINABASA MO ANG
The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)
General FictionKung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaan...