Grellen's POV
"Let's go." She pulled my hand and brought me somewhere else. We sneaked to one of the tents. May ilang grupo ng mga tao ang naabutan naming abala sa pag-aayos ng kanilang mga sarili.
"Madam Barbie!" Lumapit ang isang babae kay Madam. Woah, may ibubuga si Ateng pagdating sa dibdibang labanan! Sino kayang mas malaki sa kanila ni Madam? Charing! Wapakels na dapat ako do'n! Wala naman ako n'on, e!
"Mally," tawag niya sa babae. "Kamusta kayo? How's the circus?" aniya hawak ang kamay no'ng Mally.
"As usual gaya ng sabi niyo. The show must go on kahit medyo naalarma na kami sa pagkawala ng tatlo nating kasamahan. Kailangan naming maghatid ng saya sa mga manonood." Mally's face was filled with sadness at hindi ko siya masisisi. Napilayan sila ng tatlong miyembro.
Masakit sa kanila 'yon at kahit sinong ilagay mo sa posisyon nila ay matatakot at mag-aalala para sa safety nila. However, I trusted Madam. She will do everything to keep these people safe.
"Yes and I will make sure it won't happen again. Gumagawa na ako ng paraan para mahuli ang mga taong nasa likod ng kidnappings na ito. This will end soon. Okay?"
"Yes," sagot ni Mally na mangiyak-ngiyak na.
"Nasa'n pala si Jack?" usisa ni Madam. Sino si Jack?
"Yes, Madam?" Pumasok ang isang lalaki na may kahel na buhok. He was wearing a purple costume na pang-circus performer at meron din siyang prosthetic sa kanyang kamay.
As expected from a circus troupe.
"Let me take over the stage for tonight's show. I want you to rest for a while and let our main cast to enjoy themselves. You've been very pressured lately, I'll give you time to be one of the audiences. Of course, your presence is needed and your seats are absolutely free."
"Madam Barbie..." bulong ni Jack at ng iba nilang kasama. Si Madam ba talaga 'tong kaharap ko o impostor na ginaya ang mukha ng amo ko? Naligo ba 'to ng holy water o ano? Dinaig pa ang pagka-santa ni Angela!
"Treating you to a free viewing is the least I can do nang mabawasan man lang 'yang takot niyo. Mahalaga ang bawat isa sa inyo at responsibilidad ko bilang pangalawang magulang niyo na siguruhin ang mental health at kalagayan niyo. Alam kong pagod din kayo so why don't you guys save your stunts for the next show?"
The two exchanged smiles along with the others. Pati ako'y napangiti na rin. Who would expect na may good side din pala ang malditang si Barbara Durless? Sana ganyan na siya palagi, hindi lang sa kanila pati rin sa akin. Aba, ang unfair niya kung ituturing niya pa akong puchupuchung servant! Mali 'yon!
Madam called everyone's attention. Pati 'yong mga hindi magkandaugaga sa pagbibitbit ng mga kagamitan ay pansamantala munang tumigil sa kanilang mga trabaho.
"Listen, everybody. Wala munang magp-perform na main cast ngayong gabi. Lahat ng naka-assign para ngayon ay papalitan ng mga second string members. Pipili ako ng pitong miyembro na sasalang sa stage--"
"Pero, Madam, wala na tayong oras. The show begins in any moment," wika ni Mally.
"Yes at hindi lahat ng second string ay capable magperform. Mga magagaang trabaho lang ang kaya ng karamihan sa kanila. Although, may kilala akong pitong tao na puwede nating ipalit ngunit dalawa sa kanila ay kabilang sa mga babaeng nawawala. If there are someone who can replace them, that would be us," Jack added to his statement.
"That may not be necessary," mariing sambit ni Madam. Ibinaling niya ang kanyang ulo sa direksyon kung saan ako nakatayo. "My butler can handle those things. Isn't that right, Silver Fox?"
BINABASA MO ANG
The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)
General FictionKung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaan...