Grellen's POV
Talo ko pa ang umebak dahil sa tagal kong nag-emote sa loob ng CR. Good thing, walang kumakatok sa pinto kundi pagsasabunutan ko talaga sila.
Hindi na ako bumalik pa sa third floor. I've had enough for today. Sapat na ang mga nasaksihan kong sweetness sa pagitan ng amo kong babae at ng ex ko (kahit wala namang kami) na kinabog pa ang anaconda sa tindi nitong manuklaw.
Tumambay ako sa labas at lumanghap ng sariwang hangin. I sat on the corner beside the fountain. Naupo muna ako roon at matiyagang naghintay. Nakaka-boring lang ng konti pero keribells lang--aray ko! May lamok!
I was trying to caught it with my hands pero masyado itong mailap. Buwisit. Parang si William lang. Mailap kunin sa una but at the end of the day, may aahasin din palang iba. 'Yon pang babaeng... may puwang sa buhay ko.
Ang akala ko talaga, never akong magkakagusto sa isang babae. All this time, I've been searching for a man who can show me the love I was longing from my father. 'Yong pagmamahal na hindi maibigay ng sarili kong kadugo na pilit akong inaaalis sa buhay niya.
Siguro naghahanap lang ako ng father image, especially kay WIlliam noong baliw na baliw ako sa kanya. Everything has changed since the day I met Barbara. Itinuwid niya ang baluktot kong pananaw sa pag-ibig. She healed my wounds right after that jerk thrown me away.
Men did hurt me yet a woman has sent from above to mend my broken heart. Nuknukan man ng kasungitan pero sa kanya ko naramdaman ang totoong kaligayahan.
Funny to think since I'm starting to develop feelings for her, I could've just wait for a few weeks and see how it goes. Then kapag na-inlove na rin siya sa akin, ip-presenta ko siya Dad--of course, the deal is still a secret to Barbara at makukuha ko ang pera in just a blink of an eye.
But every time I think about Sir Tanaka's words, 'di ko maiwasang mag-dalawang isip. Isa lang ang dapat kong piliin. Pera o pag-ibig?
The blank has still no answer. Until now, undecided pa rin ako. But anyway, susulitin ko muna ang panahong ito until the day comes. Ano man ang maging desisyon ko sa huli, there's no assurance na maibabalik ko pa ang meron kami ngayon.
•••
Dumaan ang isang oras at pag-check ko sa relos ko ay 9:30 PM pa lang. Parang gusto ko tuloy bumalik sa venue. Hindi dahil nabo-boring ako kundi para kumain. Gutom na ang lola niyo!
Mabuti sana kung may restaurant na malapit dito eh medyo liblib 'tong pinuntahan namin. Siyempre, walang gano'n!
Ang tagal matapos ng party! How I wish paglabas ni Madam ay may dala siyang pa-take out para sa 'kin. Wow! Ano, birthday party?
♫︎ Spy on me baby, use satellite
Infrared to see me move through the night
Aim, gonna fire, shoot me right
I'm gonna like the way you fight ♫︎Makauwi lang kami ng mansyon, chi-chibugin ko talaga lahat ng pagkain sa ref! Bahala si Madam mag-shopping bukas!
♫︎ Now you found the secret code I use
To wash away my lonely blues
So I can't deny or lie 'cause you're
The only one to make me fly ♫︎Sana lang umuwi na si Angela para may katuwang na ako sa household. Ang hirap ng layf 'pag walang maid! Butler ang papel ko sa pamamahay ni Madam pero noong nag-leave siya, nag-transform ako into all around muchacha! Sumasakit ang side bangs ko, shocks!
Isa pa, hindi ko na alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang pag-alalay kay Madam sa tuwing maliligo siya. Kita niyo naman kung anong nangyari kanina, 'di ba? Aside sa muntik ko nang manyakin si Madam, nakatikim pa 'ko ng sangkatutak na bugbog.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)
General FictionKung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaan...