Chapter 8: Her Butler, Torn

367 30 14
                                    

Grellen's POV

Ngayon, malinaw na sa 'kin ang lahat. Alam ko na kung saan humuhugot ng kamalditahan si Madam Durless at nasagot na rin ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko. I finally know her secrets and I respect her decision of hiding it from me.

I never knew her heart was so wounded. You know what hurts me the most? Is how her parents treated her like she's the most hated person in the world. I know how it feels like, kasi ganyan din ang Daddy at kapatid ko sa akin na kung tratuhin ako'y parang hindi parte ng pamilya.

Itinapon siya rito at mag-isang nabuhay dalawang taon matapos siyang mawalan ng binti. Ang hirap n'on! For sure marami siyang adjustments na ginawa sa sarili niya bago siya tuluyang naka-recover at wala ang pamilya niya sa mga oras na kailangan niya ang mga ito.

On my 9th day here in Durless Household, nagkaroon ng konting pagbabago sa plano ko at nadagdagan ng conflict. My objectives are still there but how am I gonna deal with her condition after this? Hindi ko maiwasang mag-alala sa magiging katapusan ng agreement ko kay Dad.

As soon as I have my money, Barbara Durless has no worth to me. But I can't just leave her alone. Aside from Mr. Tanaka and Angela, ako ang inaasahan niyang aagapay at mag-aalaga sa kanya. Nangako akong hindi ko siya iiwan at wala akong balak na baliin ang pangako ko kay Madam.

Naaawa ako kay Madam at hindi ko yata kakayaning makita siyang umiiyak sa oras na malaman niya ang totoo na ginamit ko lang siya para sa perang nanganganib na mawala sa kamay ko. It proves to her that I've made no difference from the people who left her.

Nandito ako sa gazebo at kagagaling ko lang kay Madam matapos ko siyang bigyan ng private time. Wala akong ibang ginawa kundi bumuntong-hininga. Hay, stress is life, mga darling! Why does it have to be this way?

Akala ko'y mabilis kong mae-execute ang plano. Ngayon, unti-unting naglalabasan ang mga butas na hindi ko namalayang dumadami sa paglipas ng mga araw.

"Problemado ka 'ata, hijo?" May narinig akong nagsalita mula sa likuran. Si Sir Tanaka pala. Naupo siya sa tabi ko habang nakatingin sa kalangitan. Pinamarisan ko rin siya.

"Oho. Sir Tanaka?"

"Ano 'yon?" tanong ng matanda.

Lumunok muna ako ng laway bago ako nagbitiw ng salita. "Ano po bang mas mahalaga? Ang pera o ang taong kailangan ka?"

"Bakit mo naman naitanong 'yan, hijo?" medyo alangang tanong ni Sir Tanaka.

Paano ko ba ie-explain 'tong problema kong mas mahirap pang i-solve kaysa sa nag-uumapaw na math equations?

"What if you met someone and you used her for your own benefit? But lately, you have discovered something that would change the game completely. You need her but you have to leave her. At the same time, you can't do that 'cause she needs you."

"Sa madaling sabi, ginagamit mo siya para sa pera, tama? Ngunit hindi mo siya magawang alisan ng puwang sa iyong puso sapagkat may responsibilidad ka sa taong iyon na kailangan mong panindigan."

"Yes, Sir," pagsangayon ko.

"Bueno, isa lang ang maipa-payo ko. Nararapat kang pumili. Timbangin mo kung ano o sino ang mas mahalaga. Kung pera, kaya bang dalhin ng konsiyensiya mo ang sakit na posibleng maibigay mo sa babae? Kung sa babae ka naman, natitiyak mo bang kaya mong mabuhay ng walang pera?

"Isa lang ang dapat mong piliin, hindi maaaring pareho. Pag-ibig man 'yan o hindi. Ang problema ay may isang kasagutan at kung dalawa ang tumugma, dapat kang mamili ng isa. Sapagkat sa bawat tanong, iisa lang ang blanko na puwede mong lagyan ng sagot."

The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon