Codaco City, Ntiavir
Today's an ordinary day for a billionaire like me. Nagising ako hindi dahil sa alarm clock ko, kundi sa kadahilanang nanaginip ako nang masama kaya ang ending, nalaglag ako sa sahig - una noo.
Another dream where I fell in Skytree tower. Last month, I went in Japan with my friends - Ronald and Eric. Nagbakasyon kami doon ng tatlong araw at talagang tumatak sa isip ko ang toreng iyon. Madalas ko kasing makita iyon sa anime na pinapanood ko. Mula noon, lagi na akong nananaginip na paulit-ulit akong umaakyat sa Skytree saka magpapatihulog. Which is quite weird and creepy at the same time.
I'm yours truly Grell Allen Burnett, but most people call me Grellen. Hindi ko maitatangging isa ako sa pinakamaswerteng tao sa mundo na biniyayaan ng marangyang buhay. Yes, I'm a billionaire. Well, it was actually my family's wealth. Sumasabit lang ako sa kayamanan ng pamilya ko and to be honest, wala akong ambag sa pagpapatakbo ng kumpanya namin.
My father owns the largest hotel chain across the world, The Burnett International. He's the CEO while my older brother Sebastian is the chief operating officer. Plano nang mag-retire ni Dad after three years and I even begged him to hold the company in the near future but you know what he says?
"Buo na ang desisyon ko. Si Sebastian ang gusto kong mag-manage ng hotel chains natin after my retirement. Besides, I can't sense any worth in you in terms of handling my business. Such a trash. Why did your mother labor you in the first place? I want you to enter the police academy and be the high-ranking officer. Para naman magkaroon ka ng pakinabang sa pamilyang ito."
That's how my fate was sealed. Sa takot na bawiin sa akin lahat ng meron ako, sumunod ako sa gusto ni Dad kahit ayoko. No one asked what I wanted to be. Si Dad ang dumidikta ng kapalaran ko at kapag hindi ako sumunod, anytime puwede niya akong sipain palabas ng mansyon at ang mas malala, maaari niya akong itakwil.
Father hates me and so is my brother. Ni minsan, hindi nila ako tinuring na parte ng pamilya nila kahit noong nabubuhay pa si Mom. Sometimes, I can't help but to think kung anak ba talaga ako o inampon lang ako ni Mom at walang nagawa si Dad kundi papasukin ako sa mga buhay nila?
Wala naman silang nababanggit tungkol diyan so I jumped to conclusion na baka kadugo nila ako. Gayumpaman, nagpapasalamat pa rin ako kahit papaano kasi hindi nila ako tinanggalan ng karapatan sa kayamanan ko.
My mother died from a car accident two years ago. Before she lost, Mom told Dad to take good care of me, na susunod siya sa pangako nito na bibigyan niya ako ng parte sa pera't ari-arian ng pamilya Burnett. Father granted her wish out of love. Pero mas lalong uminit ang dugo nila Sebastian sa 'kin.
Mom is the only one I have except for my money. Siya ang taong kaya akong ipagmalaki sa kahit kanino. Tatlo na lang kaming nakatira sa mansyon pero pakiramdam ko'y mag-isa ako.
They don't care about me and it gets even worse after her death.
•••
Hindi pa man ako nakakabalik sa kama ay umalingawngaw na ang ringtone ng cellphone ko. Basta kong dinampot ang phone ko na nakapatong sa bedside. Pagtingin ko sa screen, pangalan ni Ronald ang naka-register. I simply answer the call without second thought, baka importante.
"Hello, Ron. What do you nee─" Bastos 'to, ah? 'Di man lang ako pinatapos!
"Grellen, listen to me. Inspector Fukuyama─" I cut him off. Akala mo, ha!
"What's with Will, anyway? Saka mo na ako balitaan about William kapag na-late na siyang pumasok sa work. First time 'yon, take note," pambabara ko.
We were talking about Inspector William A. Fukuyama, 26 years old na half-Japanese. He's the head of Division 1 of Metropolitan Police Department in Codaco. But for me, hindi lang siya basta boss ko. He's my soulmate, the love of my life. Maka-ilang beses na akong nag-confess kay William but the answer is always the same. No.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)
Ficción GeneralKung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaan...