Grellen's POV
I was allowed to work the next day. Upang hindi magkasiraan ng araw ay kusa akong dumidistansya sa kanya. Lalapit lang ako kapag kailangan. Natutunan ko ring maging maingat sa mga kilos ko at sumunod sa mga inu-utos ni Madam kasi kahit pagbali-baligtarin mo ang mundo, nasa loob ako ng teritoryo niya at isa lamang akong hamak na butler.
Time check: 5:36 am. I woke up late than usual. Well, it can't be helped. Late night na rin ako nakatulog kagabi dahil humingi ako ng tulong kay Sir Tanaka tungkol sa mga bagay na kailangan kong matutunan bilang servant ni Madam Durless gaya ng pagsagot phone calls, paghandle ng schedules, etc.
Noon ko lang din nalamang pag-aari pala ni Madam ang circus kung saan nag-imbestiga sina Ronald and Eric last week. No wonder why I saw her there. As soon as I find out about it, agad kong tinawagan si Ronald.
"Ron, still awake?" pambungad ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"Why are you calling at this late hour?" Halata sa boses ni Ronald na naalimpungatan siya. Can't blame him though. Anong oras na rin kasi ako tumawag? Alas-dose na ng madaling araw.
"Listen to me very carefully. Don't tell anyone about my agreement with Dad, maski na kay William. Don't say anything no matter what. Alright?"
"Why's that?" paninita ni Ronald.
"Remember Euphoria Family Circus? 'Yong pinuntahan niyo ni Eric last time? The owner and troupe leader of that circus is none other than--"
Suddenly, he cuts me off. "Ah, si Ms. Barbara Durless. We already know since siya ang nakausap ni Eric nang pumunta kami doon."
"Ha?" gulat kong reaksyon. "Eh may sa ka-pulpulan pala kayo, e! Bakit hindi niyo ako sinabihan noong kasama ko kayong nakipag-habulan sa sasakyan ni Madam?"
"Bakit, nagtanong ka ba?" At namimilosopo pa ang walanjong chickboy na vintage collector na ito! Ah, ang sarap magwala! Halika rito, Ronald. Pauulanin ko ng sampal 'yang feslak mong makapal pa sa balat na sinasahog sa kare-kare!
"At bakit, alam ko bang siya rin 'yong ka-chikahan niyo sa circus nang time na 'yon? Babarahin mo pa ako, pag-untugin ko kayo ni Eric, e!" Kung puwede lang sumigaw! I'm just being careful not to be heard by someone else. Wala pa tayo sa kalingkingan ng plano, ayokong maligwak!
Now, ngayon ko lang na-realize. 'Yon siguro ang pinagbubulungan nila sa sasakyan that time na pumara kami sa harap ng bahay nila Madam. Why would these two hide the truth from me if they could just tell me about Barbara in the first place?
"Masama bang magbiro? We didn't want to spoil the surprise so we keep her identity a secret until you finally met her. Ikaw, Grellen. Nagtrabaho ka lang bilang butler, nagsusungit ka na."
"Anong nakaka-surprise do'n? And don't start with me. Wala ako sa mood makipag-biruan. Busy ako, okay?" I sighed in disappointment. "So as I was saying, kanina ko lang nalaman na si Barbara ang operator ng circus nang mabanggit sa 'kin ng isa sa mga servants dito. Kaya kayo, itikom niyo ni Eric 'yang mga bibig niyo. Dahil kayo nila William ang humahawak ng kaso, 'di malayong magkrus ang landas naming tatlo. Malaki ang chance na madulas siya kay Madam Durless at doon pa lang, ligwak na ang plano ko," mahabang paliwanag ko kay Ronald.
"I don't think Inspector would do such a thing. Besides, if he was informed, I'm sure he won't tell anyone about your plan─"
"Oh, c'mon. Paano ko ipaliliwanag kay William ang binigay niyong rason sa kanya kung bakit ako nag-leave for thirty days, aber? Severely injured due to car accident? Gagawa na nga lang kayo ng storya, 'di niyo pa ginalingan! Nag-iwan pa kayo ng malaking loophole! Pambihira kayo!"
BINABASA MO ANG
The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)
Genel KurguKung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaan...