Grellen's POV
Payatot.
AAAAH! 'KAKALOKA! SINO BA ANG BABAENG 'TO?! Ang kapal niyang tawagin akong patpatin at payatot! Ang sexy ko kaya!
Anyway, siguro insecure lang ang gaga kaya pati figure ko eh, pinagtitripan. Kinuha ko ang kamay ng babaeng lookalike ni Madam at nakipag-shake hands pero may twist! Diniinan ko ang pagkakahawak sa kamay niya na kulang na lang ay mamaga nang todo.
Kusa siyang bumitaw at pinagpag ang namumula nitong kamay. "How harsh! Look what your boyfriend did to me, Barbie! I might die from this!" aniya na sinundan niya ng pag-iyak.
"OA mo naman, girl! Parang piniga lang ng konti patay agad?" pamf-first blood ko sa babaita.
"Ang sakit, e!" she cried like hell. Sakit sa tenga ng bunganga! Ultimo alagang baka ng dati naming driver mamatay sa lakas ng iyak niya, e.
Didn't she mention she was a doctor? May doktor palang iyakin.
"Girl, konting push pa. HIndi convincing ang acting mo. IIyak-iyak ka diyan, wala namang luha! Patakan mo ng eye drops 'yang mata mo, baka sakaling maniwala akong nasasaktan ka."
Double kill!
"Enough," mahina ngunit malamig na sabi ni Madam, bagay na hindi namin pinansin.
"Say, Barbie! Is that how your boyfriend treat you every time he's asking for sex?" At kumuha na ng panyo sa bag.
"Teka, anong sex? Nasisiraan ka na ba? Bakit ako makikipag-jugjugan kay Madam? Isa pa, hindi kami--"
"Stop acting so innocent! Huling-huli kita! May pa-Madam-Madam ka pa! Ano, para palabasin mong ikaw ang kinakawawa ng kapatid ko? Na si Barbie ang dominant? Don't me! She wouldn't do something crazy!" The pathetic woman just grabbed Madam's hand. "Let's go, Barbie. Isasama kita sa Amerika!"
What the hell is she talking about?
Bago pa makaapak sa labas ang dalawa ay mabilis kong hinatak si Madam. "America? Don't make me laugh! Hindi aalis si Madam sa ayaw at sa gusto mo!"
"Hang on, you idiots..." Barbara said. "Tama na."
"And just who do you think you are to make decisions?! I'm her sister! I know what's the best for her and that is to stay away from you, payatot!"
"Huwag mo akong tatawaging payatot!"
"Pa-ya-tot!" ulit niya.
"Pwes, ikaw butiki! BUTIKING BRENDA!" malupet kong banat sa babaeng lizard!
"C'mon, Barbie. Leave that skinny guy in stripes." Ay, pikon?
"No!" Nilagyan ko ng konting pwersa ang kamay ko kay Madam. "You're not leaving, Barbara. Stay here, you're mine."
I proclaimed those words in the most manly, most husky voice I've ever used. Ako ba talaga 'yon? O baka naman may split personality ako?
"Grellen." Madam leaned on me with confusion.
"Huwag mong ma-mine-mine ang kapatid ko! Ano 'to online selling? May plano ka pang ibenta si Barbie after you used her! You're such a jerk!"
"How dare you?!" Akmang susugod ako nang biglang...
"I TOLD YOU TO KEEP YOUR FUCKING MOUTH SHUUUUT!" Madam released her hands from us.
And my head just bumped into that woman's skull.
•••
"So he's your butler, eh?"
"Yes. I hired him two weeks ago. He wasn't skillful in household but I find him useful in some other ways."
BINABASA MO ANG
The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)
General FictionKung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaan...