Grellen's POV
Nakaka-pitong araw palang ako sa Durless residence ngunit muntik nang pumalo sa 150 over 100 ang blood pressure ko dahil sa kamalditahan ng amo kong sobrang arte, sobrang demanding, ni pagbati hindi magawa! Tindi kung mang-snob ano, artista ka, 'teh? Kung wala lang akong kailangan sa babaeng 'to, nakatikim na ito ng sabunot sa 'kin!
Isusunod kita sa bilasang hipon na fiance-kuno ni William! Doble-ngudngod pa ang aabutin mo! Matapos ko lang talaga ang misyon ko dito, yari ka sa 'kin, Madam!
Working here isn't always hectic or busy. Sadyang may mga panahong mai-imbyerna ka sa ugali ni Madam Durless. Wicked. Bossy. She has no consideration aside from the fact na nagsinungaling ako para ma-hire ako as her butler. Hay naku!
During my first week here, natutunan kong gumising nang maaga pa sa alas-sais. 5:00 am palang, humihikab na ako palabas ng maid's quarters para ipaghanda ng almusal si Madam.
Exactly 6:00 pm, I'll wake her up. May times na lumampas lang ng limang minuto na hindi ko siya ginising, aba, binuhusan niya ang kamay ko ng dala kong kape! Thankfully, may suot akong gloves pero masakit pa rin, e.
Sa takot kong maulit 'yon at tuluyan nang malapnos ang balat ko, sinikap kong i-adjust ang body clock ko para paggising ko ng alas-singko, sakto pa rin ang tulog ko. Although, medyo nahihirapan pa, I think kakayanin naman.
My main objective here is to make her fall for me, bagay na napakahirap palang gawin. Malay ko ba kasing may tinatago palang kasungitan ang babaeng 'yan? I was fooled by her actions way back in circus. Maybe she's just trying to pretend like she's having fun.
There's only one way I can think of and that is to make sure she would be proud of me. But how? I'm nothing but a clumsy useless idiot. Hindi gano'n kadaling matutunan ang mga bagay-bagay ng isang bagsakan lang. It takes a lot of time and effort.
Then again, I won't give up. Now's not the time to lose hope over some things na 'di ko pa alam. Mags-strive ako to make everything possible. I'm a billionaire butler and I've never had something I didn't get. Well, except for William. Argh, sariwa pa rin ang sugat na iniwan niya sa puso kong mas virgin pa sa wetpaks ko!
Papunta ako ngayon sa pugad ng mangkukulam at malapit nang mag-six o'clock. Last night, she ordered me not to bring anything. Pag-iisipan pa raw niya kung anong kakainin niya today. Huh, ang arte ng bwisit! Maka-asta akala mo taga-royal family. Hoy, wala tayo sa Inglaterra!
Kumatok ako bago pumasok. Medyo madilim pa sa loob dahil nakababa ang mga kurtina. "Madam, wake up, alas-sais na po," I greeted but she's not waking up. "Madam Durless."
Niyugyog ko nang mahina ang braso niya pero wa epek. Dapat pala'y nagdala ako ng mag-asawang takip ng kaldero tapos pag-umpugin ko malapit sa tenga niya. De joke lang, baka ma-trigger ang dragona. Bugahan pa ako ng apoy.
Lumapit ako nang konti pa. Sarap na sarap siya sa pagtulog at kahit sino'y hindi gugustuhin na gisingin siya dahil ang bait-bait ng mukha nito kapag nakapikit. Also, her long eyelashes fits to her endless beauty. She's like Aurora, a young woman who's been waiting for the prince to save her through true love's kiss.
Sandaling napawi ang inis ko kay Madam at napalitan ito ng admiration. I love seeing her like this. Muling bumabalik sa alaala ko ang unang beses na nakita ko siya sa circus. How cheerful she was. How she acted so wild and free. I was wondering why is she acting so cold and mean to us? Akala ko ba naman, makakasundo ko siya.
"You look so cute when you're sleeping. Hindi bagay sa 'yo na tawaging Madam. Ang sabi ni Angela, twenty-five ka lang 'ata. You love to call yourself Madam sa ganda mong 'yan?" wala sa sariling naibulong ko kay Madam.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)
General FictionKung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaan...