Chapter 2: Her Butler, Wrecked

525 38 19
                                    

Grellen's POV

Maghapon akong naglamyerda sa mall. Kumain, nag-grocery at nag-shopping ng bonggang-bongga. Bumili ako ng damit at sapatos para mamaya at nagpa-make up na rin ako para complete package ang ganda. O, ha. Saan ka pa?

Sana laging ganito. 'Yong malaya ka, walang nanghuhusga sa 'yo, masaya ka sa ginagawa mo. Eh, 'pag nasa bahay ako, tamang tambay lang sa kwarto at nakakaburyo talaga.

I'm wearing my red outfit, red stilettos na sinamahan ng pulang hairclip, itim na gloves. Oh, 'di mo kaya 'yon! Para tayong magbabakasyon sa abroad! Date lang naman ang pupuntahan natin. A special date with my dear William! For sure if he sees me like this, tutulo ang laway niya sa talampakan ko. I swear!

Pagkagaling ko sa mall ay saka ako dumiretso sa Bayview Restaurant sakay ang baby kong Rolls-Royce EWB na nagkakahalaga ng tumatagingting na $530,000.

Saktong-sakto lang ang dating ko sa resto. Maraming tao sa loob pero bakit ang enggrande naman 'ata ng arrangement sa center table? Very sophisticated ang design at napaplibutan din ang mesa ng dalawang musician. 'Yong isa'y may violin na hawak habang ang isa ay singer, kung 'di ako nagkakamali.

At ang nakakakilig, kitang-kita ko ang bulto ni William na nakaupo doon, matiyagang hinihintay ang pagdating ko. Pabalik-balik ang tingin ni Will sa wristwatch niya.

Oh my gosh! The suspense is killing me! Now's the time to come closer and share our true love's kiss before some slut takes over my crown!

"Will! How sweet of you─" Nakaka-dalawang hakbang pa lang ako ay natigilan ako nang lumapit ang isang babae sa mesa niya. Napasinghap ako. Aba, inagawan ako ng pwesto! Mukha namang hipong bilasa!

Nakangiting sinalubong ni William ang babae at hinalikan ito sa labi. Tila nadurog ang puso ko sa paraan ng paghalik niya sa lintang iyon. All this time, I thought...

The musician starts playing the violin as the singer performed... Sa lahat ng kanta naman, oo! Bakit 'yong theme song ko pa kay Will?!

William took that bitch's hand, probably asking her to dance. Nanigas ang buong katawan ko gawa ng magkahalong gulat at lungkot. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko ngayon!

A chance to be with you once again
Memories of all the love we shared back then
I will search the whole universe until the stars whisper in my ears
That you're with me, my dear

Mayamaya, lumuhod si William at nilabas ang isang maliit na kahon. He opened it and I could clearly see what's inside of that box. It's a ring!

Napahawak naman sa mukha ang malanding hipon! Kunwari pang gulat ang walangh'ya! Itapon kita sa ilog na puno ng basura, e! Tutal, doon ka nababagay!

No, you're not gonna take him away from me! You have to go through my ass before he became yours, shrimp!

Galit kong sinugod ang hipon at pinagsasampal. Pilit akong inaawat ni William subalit hindi ako nagpatinag. Nginudngod ko ang mukha ng landitera sa mesa. Ayoko sanang gawin 'to dahil ang ganda ng arrangement but she ruined my day!

"You, ugly tart! How dare you touching my baby's skin? Akin si William! You have no right to interfere with my business! Kapag sinabi kong akin siya," diniinan ko lalo ang pagsubsob sa hipon. "Akin siya! Tandaan mo 'yan, pakarat kang bilasa ka! Kapal ng fez nito! Doon ka sa garbage river! Pakasalan mo 'yong mga basura do'n!"

"Burnett, stop!" Binitawan ko na ang malandi. Nabaling ang atensyon ko kay WIlliam na walang ibang ginawa kundi pigilan ako.

"Isa ka pa! Papatol ka na lang, sa hipon pang kinulang sa aruga?" Pinaghahampas ko siya sa dibdib. "Ano bang meron sa babaeng 'yan na wala ako? Mayaman naman ako, ah? I may be look manly but I can change my entire appearance just for you!"

The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon