Grellen's POV
"Brenda?" Hinataw niya pa ulit ako ng isang sampal sa kabilang pisngi. "What did I ever do to you?" Pagalit kong tanong. Ano bang nakain nitong si Butiking Brenda at nananampal ng walang dahilan?
Ibang Brenda ang kaharap ko ngayon at hindi ako sanay sa mala-Barbara Durless niyang awrahan tonight. Eh, mas malala pa siya sa kakambal niyang bruha! Walang mababakas na ngiti sa mukha ng babaita kundi galit at inis.
Brenda pulled me away from Barbara's room. We went to the gazebo where the area was surrounded by hundreds of bulbs.
"You've done nothing to me if you ask me pero malaki ang atraso mo sa kapatid ko!"
"I know. Ako ang dapat sisihin sa lahat ng 'to. It's my fault for bringing herself to danger and with that, I'm terribly sorry," sinsero akong umingi ng tawad kay Brenda.
"Do you have any idea what happened to Barbara when you're not around? Limang araw siyang hindi kumakain nang maayos at hindi makatulog. Lahat kami, inaaway dito sa mansyon at hindi namin siya makausap nang maayos! She became depressed and suicidal because of you, Grellen!"
Tumulo ang mga luha ni Brenda. I never imagined the day she'll cry in front of me. Awang-awa siya sa kakambal niya na muntik nang mamatay nang dahil sa akin. Brenda's right. The blame is on me. Sana nanatili na lang ako sa mansyon kahit pa pilit akong pinagtutulakan ni Madam dahil sa kasalanang hindi ko ginawa.
"Patawarin mo 'ko kung pinabayaan ko ang kapatid mo, Brenda. If I did not leave her side then none of these would happen."
"What are you saying?" Umiiling na sabi ni Brenda. "You don't get my point! You got it all wrong!"
"Huh?" kunot-noo kong balik kay Brenda.
Pinahid ni Brenda ang luha sa kanyang mga mata, sunod niyang nilagay ang kamay niya sa balikat nito. "Hindi kita sinisisi sa tangkang pagpapakamatay ni Barbie. Ang pinupunto ko rito, 'yong hirap na dinanas ng kapatid ko mula noong dumating ka sa buhay niya!"
"Wait a minute, 'di kita ma-gets. Mag-iisang buwan pa lang ako simula noong makilala ko si Madam. What could I possibly do to hurt her feelings?"
She chuckled as she pointed her index finger on my face. "It seems you forgot already what you've done to my sister. Well, let me refresh your mind. Remember the woman you met at the bar two years ago? The person you shared the same bed? It was Barbara!"
I lost my hearing for a sec after she proclaimed those words. Ang babaeng kasama ko sa bar nang gabing 'yon at ang amo kong si Barbara Durless ay iisa! Why didn't I see it before?
"She told me everything! After you seduced her and used her body, basta mo lang siyang iniwan sa bar! Tell me I'm wrong, Mr. Grell Allen Burnett!"
"You... You know who I am?" I got no answer from my question. "Brenda, listen to me. Lasing ako noong gabing may nangyari sa amin ni Barbara--"
"I don't care about you, Grellen! Sarili mo lang ang iniisip mo, e. Hindi ka man lang naawa sa kapatid ko? Iniwan mo siyang mag-isa sa kwarto kung saan mo siya inakit at inangkin! Napakawalang kwenta mong tao!" nanggagalaiti niyang sambit.
"No, that's not true! Hindi ko siya tinakasan! Late midnight, tinawagan ako ng kasamahan ko sa trabaho para mag-surveillance kaya napilitan akong iwan siya sa bar. The next day, bumalik ako pero wala na siya doon. Hindi ko na siya hinanap pa sa pag-aakala kong hindi na niya ako hahabulin," depensa ko sa mga aligasyon niya sa 'kin.
Totoo 'yon dahil si Dori mismo ang nag-timbre nang gabing 'yon. Pinatawag niya ako sa opisina along with William to discuss about the urgent surveillance activity which is far from the city. It's quite odd because we have to do it it at midnight but I trust them and I have no right to complain dahil bago pa lang ako noon.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Butler (Billionaire's Slave Series 2)
General FictionKung ikaw ay lumaking mayaman at naghihiga sa salapi, gugustuhin mo pa bang magtrabaho bilang tagasilbi ng isang malditang may kapansanan? Kakayanin mo bang pagtiisan ang masama niyang ugali sa loob ng apat na linggo? Iyan ang sitwasyong pinagdadaan...