Chapter 28

183K 2K 263
                                    

Chapter 28

Tanya

Since dumating si Clarisse sa penthouse ni Andrew, mas inagahan kong magprepare ng breakfast, at hindi na ako sumasabay kumain sa kanila. Mahirap na, baka kung ano pang masabi ng FIANCÉ ni Andrew. Pero in fairness, mabait sya talaga a.

For the past couple of days, sumasama kasi sya sa office ni Drew dahil doon nakikipagkita ang mommy ni Drew sa kanya. I can really say that she can really be a good friend. Madali syang kagaanan ng loob. Marami din kaming mga napagkakasunduan. Minsan nga, kami na lang ang nagku-kwentuhan sa kotse at etchepwera namin si Drew, syempre.. girl talk.

Truth be told, I can’t find another perfect girl for Andrew.  Bagay silang dalawa. Nagbe-blend ang itsura nila, pati ang personality. Magaling pumili ang mama ni Andrew ng mapapangasawa nya. They’re ideal for each other.

Pero gosh... ang sakit!! Ganito na ba kalalim ang nararamdaman ko kay Drew? To the point na nasasaktan na ko kapag nakikita kong magkasama sila? Ano naman ang gagawin ko? Magtapat sa kanya? Hello.. ayoko nga! Kapag ginawa ko yun.. mag-sho-shoot up ang ego nya to the highest level.. at baka pagtawanan lang nya ako, saying that Tanya Ramirez is another conquest. Mukha nya!

It’s 7:00 and I was waiting for Drew at the lobby. Gravy naman. December 22 na hindi pa rin nagbabakasyon ang mga taong to, and to think, Saturday pa ngayon. Ganyan na ba kalala ang Christmas rush? Hehehehe… Kung sabagay, malala din ako dahil may photoshoot akong naka-schedule bukas. Hello.. hindi ba uso pasko sa mga taong ngayon?

Nakita ko si Drew pero hindi nya kasama si Clarisse.

“Hmmm… you’re alone. Where’s your fiancé? “ I said teasingly.

Tinignan lang ako ng masama ni Drew at dire-diretsong naglakad. I looked at him nang sumakay na kami sa kotse nya.

“Drew. Sa airport kita ihahatid diba?”

“Yup. I have a meeting in Singapore. If you want you can come with me.“ he said

Pinaandar ko na yung kotse.

“Yoko nga. Mamuti pa ang mata ko sa kakaintay sa ‘yo. No thanks.”

“Sabagay, baka matagalan ang meeting.“

“Si Clarisse? Baka mainip yun ng walang kasama sa condo, sana sya na lang ang sinama mo.”

Silence…

“What are you pointing at Tanya?” seryosong tanong nya.

“What? Nothing. Nag-aalala lang naman ako sa kanya. Wala kasi syang masyadon kilala dito and don’t you think that it’s your obligation to look after her?”

“How many times do I have to tell you that I don’t have any obligation to her.”

Parang may halong inis ang tono nya.

“Ok, Sabi mo e.“

Nanahimik kaming dalawa. Hindi kami nagkikibuan. Nag-concentrate na lang ako sa pagmamaneho.

“Tanya… please, don’t push me away. “ he said tenderly.

Gusto ko sanang tignan si Drew. Nabigla kasi ako sa tono ng boses nya. Ano yun? parang ngayon ko lang syang narinig ng ganon.  Parang nakaramdam tuloy ako ng kurot sa dibdib ko. Hindi ako nagsalita at napakunot na lang ako ng noo.

I don’t have to entertain what I’m feeling right now. I’m trying my best to overcome my feelings for him.

Kunwari natawa na lang ako, para medyo ma-break ang tensyon.

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon