Chapter 4
Charlie
Naparami ata ang luto ni Tanya a... konti na lang parang Sambokojin buffet na to... napangiti ako.. in fairness.. kami ni Zack ang nakikinabang kapag sinisipag magluto si Tanya... Mas lalo na ngayon na inspired na inspired.
Inaayos ko ang dinning table dahil ilang minuto na lang ay alam kong dadating na si Zack, on the dot sya palagi. Everyday around 6pm, nandito na sya sa bahay unless nag-out of town or may mga emergency meetings.
Pagkatapos magluto ng sangkatutak ni Tanya ay nakikipaglaro naman sya ngayon sa mga baby... Yung energy level nya talaga, masyadong mataas. Ok lang dahil tuwang tuwa talaga sya sa kambal. Well, sino ba naman hindi matututwa sa kanila, kamukha ko kayang pareho.. hihihi.. jowk...
Those two are my precious little gifts. Akala ko nga ay hindi na kami magkakaanak ni Zack. Because of the terrible car accident that I have na nagdulot ng pinsala sa mga inner organs ko. Sabi kasi ng doctor baka magkaroon ng complications kapag nag-attempt kami magkaroon ng baby. Natatakot nga si Zack noon na mabuntis ako. Palagi nyang sinasabi sa akin na it's better for us not to have babies than having one then loose me again.
Noong una ay ok lang sa akin pero after a while, parang nararamdaman ko na hindi kumpleto kapag wala. There is this emptiness inside of me that I can't comprehend. Kaya kahit na alam kong delikado ay kinulit ko talaga si Zack. At first, he is very firm on his decision, pero hindi ko talaga sya tinantanan, believing that a woman is not complete without a child. I keep on reasoning until the time na hindi na nya siguro matiis ay pumayag na rin.
So we seek out the best doctor in the world when we decided to have a baby. Naging matindi ang monitoring at halos hindi ako tumatayo in my entire pregnancy. Kahit na mahirap ay tiniis ko sa kagustuhan kong magkaanak. Mabait ang Diyos at twins pa ang ibinigay nya sa min, kumpleto na rin dahil, isang lalake at isang babae ang naging anak namin... That was the first and last pregnancy that I will have... hindi na ako pwede pang magkaanak, becuase it will definitely cost me my life. But what I have right now is really more than enough. How can I ask for more. I have a very loving husband and two very cute angels. Sobra sobra na ang ibinigay sa aking ng Diyos.
While I was remeniscing, Hindi ko napansin na may yumakap sa kin from behind...
"A penny for your thoughts?"
I smiled...
"hindi kita narinig a... sneaking on me again Mr. Montemayor?"
"Ang ingay-ingay ko nga ... lumilipad lang ang isip mo."
Hinayaan ko lang muna syang nakayakap sa kin. enjoying every minute. Even after years of marriage, I still can't get enough of him. His touch still sends shivers all over my body. I know that I am more in love with him at mas lalo pa itong nadadagdagan as time goes by.
"Miss you honey... " sabi nya kissing me at the neck...
"Wag masyadong sweet hon, nasa public place tayo... may makakita sa tin."
"Hmmm? Public? this is our house. " then he kissed me again more passionately this time.
Tatalikod sana ako, pero mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa kin.
"We can do this later.... " I said smiling, "Andito pa si....."
Bago pa ko makatapos ng sentence ay...
"Hoy! Mamaya nyo na ipagpatuloy ang lambingan na yan at may virgin pa dito sa bahay nyo!"
Tinanggal nya pakakayakap sa kin at tumingin sa direction kung saan sumulpot ni Tanya.
BINABASA MO ANG
Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIB
RomanceBook 2 of 'I love you Kuya'. Si Tanya Ramirez, hyper, makulit, kikay at higit sa lahat astig. The word "typical" is definitely not in her vocabulary. Mahilig sya sa gwapo, matalino, mayaman etc etc. Yung tipong lalake na sa libro o sa fantasy world...