Chapter 9

189K 1.9K 93
                                    




Chapter 9

Tanya

"Hello my pretty little Zia!!!! Kamukha ng Ninang Tanya!!!!"

Kinuha ko si Zia kay Charlie nung pinagbuksan nya ako ng pinto sa bahay nila. Wow grabe, ang bigat na nya!

"You big little baby girl! Ano bang pinakakain ng mommy mo sa yo!"

Natawa ni Charlie.

"Pinakain ko ng kabayo kaya bumigat ng ganyan."

"Zia baby, never kang kakain ng luto ni Mommy a, baka ma-food poison ka!"

"Ikaw talaga!!!!" tatawa tawa si Charlie. "Pumasok ka na nga! Bata pa lang bine-brain wash mo na yang anak ko."

"Hindi kita bine-brain wash baby, nagsasabi lang ako ng totoo."

Pumasok kami sa bahay.

"Where's baby Charles? " tanong ko.

"Nasa play room, kasama ng yaya. "

"Tara Charlie, don na rin tayo magkwentuhan sa play room. Ninang Tanya wants to play with her babies!!!"

Ngumiti si Charlie.. She knows that I love her kids sooo much. Parang mga anak ko na rin sila.

Hindi lumalampas ang isang linggo ng hindi ko sila dinadalaw. At hindi rin kumpleto ang linggo ko kung hindi ko sila nakikita. They're already part of my life. Pamilya talaga ang turing ko sa kanila. Kung maniniwala ako sa past life, baka kapatid ko siguro si Charlie noon o baka twins pa nga kami, and her kids are like my own. Kaya nga naiisip ko pa lang, kung dumating ang time na aalis na kami, sobrang malulungkot ako.

"Why the sudden change of mood?? Are you alright Tanya? Is there something bothering you?" Tanong ni Charlie na concern na concern.

Ngumiti ako. Hindi ko namalayan na napatulala pala ako. Now is not the time to tell her. What I want now is a stress reliever and the answer to that is.... Charles and Zia! Nakakatanggal talaga sila ng stress... SOBRANG CUTE!!! Ang sarap kagatin!

"Nothing's bothering me, you're imagination is getting the better of you again. " I smiled.

"Hindi, something's bothering you.... I know. " insisted Charlie.

"Hmmmm.. mamaya na tayo mag-usap. I just want to play with my kids!!!! " sabi ko

"Kids mo???"

"Wag kang madamot! I-share ang mga cuties! Hahahahaha! Diba Charles... diba Zia... you love Ninang Tanya diba!!!"

Tumingin lang sa kin ang mga kids at parang nakakaintindi. Tumawa tawa din sila. They also love me, I can tell. hehehehehe....

"Ang gwapo, gwapo naman nitong si Charles... Paglaki mo tapos may baby girl na rin ako.. ligawan mo a!"

"Ikaw a!!! Wala ka pa ngang boyfriend e ina-arrange mo na yang si Charles! Unahin mo na nga muna yang lovelife mo. "

"Malay mo naman. Baka malapit na kong magka boyfriend!!!"

"Ang lakas ng fighting spirit mo! E sino naman ang kawawang biktima mo!"

"Kawawa ka dyan. Ang sabihin mo ang swerte nya!!!!"

Kinuwento ko yung encounter ko kay Ice sa Mcdo at kinuwento ko na rin sa kanya na ever since that encounter, regular caller and text mate ko na rin sya at ang sweet sweet nya!!! hihihihi.... At ano pa bang nararamdaman ng lola nyo kung hindi SUUUUPPPPEERRR KIIIILLLIIIG!!!! HAHAHAHAHAHAHAHA!!!

"Para ka namang binubulate nyan!!! Hindi ka mapakali!!!"

"E ano naman!!! Hindi ko mapigilan e!!! hahahahahaha!!!!! Ang gwapo ng pinsan mo ang gentleman pa !!! weeeeee!!! Kaso pano kapag kami magkatuluyan. e di hindi natin pwedeng ipagkasundo mga anak natin! Ayyyy!!!!"

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon