Chapter 27

172K 2K 246
                                    

Chapter 27

Tanya

Fiancé ? Fiancé ? FIANCÉ!!!!

Ikakasal ka na pala! Pa- I love, I love you ka pa dyan!

“Binibilog mo ba talaga ang ulo ko!!! ha!!! Andrew!!!!”

Dinuro duro ko yung bunny stuff toy na napanalunan namin dati sa Enchanted Kingdom.

Mabuti na lang at hindi ako bumigay sa nararamdaman ko. kailangan talaga sa lahat ng oras ginagamit ang utak. Hindi dapat nagpapadala sa dikta ng damdamin! GRRRRR.

Iniwan ko na sila kanina sa lobby at hindi na daw magpapahatid si Andrew sa office dahil i-se-“settle” daw nya si Clarisse sa penthouse.

E di i-settle nya! Anong paki ko! Mabuti nga yon at solo ko na ang buong maghapon kahit Friday ngayon. Hmmmmp! Kainis! Pero kahit ganon, nasaktan ako. Ibig sabihin ba non, talaga bang may nararamdaman ako sa kanya? Kasi kung wala akong nararamdaman sa kanya, hindi dapat ganito ang reaction ko. Mali pala ang inakala kong kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.

Aray naman!

Ano ba naman tong napasukan ko? One thing I know for now… I have to overcome this feelings. Mabuti nga at maaga pa lang nalaman ko ng magpapakasal na sya, kesa naman kung nasagot ko sya at naging kami na, tapos ganito ang mangyayari!

Napabuntong hininga ako.

I have to get over that guy!

I turned off my cellphone and took my keys. I have to go to my studio. Kahit anong photoshoot ngayon, kahit hindi naka schedule sa kin, aakuin ko na. Alam kong kailangan ko pang magpahinga but so what! I have to get my mind off Drew and Clarisse.

***

Napahiga ako sa couch sa office ko. Yes! It’s 5 pm and I feel so accomplished. Halos lahat ng client ngayong araw na ito ay natuwa nang malaman nila na ako ang mag-ha-handle ng photoshoot nila. Kahit medyo napagod ako, effective naman dahil nakalimutan ko mga iniisip ko kanina. Hindi ko na nakausap buong maghapon si Andrew dahil kabilin bilinan ko sa staff na walang pwedeng kumausap sa akin ngayong araw na to.

May kumatok sa pinto at sumilip ang secretary ko.

“Ma’am may bisita po kayo.“ Sabi  nya

Napakunot ang ulo ko… hmmmmp. Malamang si Andrew yan. Hindi ko kailangan ng explanation sya.

“Sabihin mo umuwi na ko.“

Bumukas ng husto ang pinto at pumasok ang sinasabing bisita ko.

OOOOPPPPSSSSS!!!!

Tumayo akong bigla at inayos ang sarili ko, dahil alam kong mukha na akong bilasa. Wala man lang kaayos-ayos ang mukha at buhok ko.

“Ice! What are you doing here?”

 “I decided to surprise you… you never returned any of my calls… I never got to explain why I did not make it to our date. “

Inabot nya sa kin yung dala-dala nyang bouquet of flowers.

WOW!!! Ang sweet naman!

Effective! Napangiti ako! And, in fairness, he look so gwapo right now.

“Upo ka muna. Naku.. pasensya ka na. Kakatapos lang ng last photoshoot ko. Kaya ganito ang itsura ko. It’s only 5pm, how come your already out in the office?“

“Nag-under time ako. I was just taking my chance that I’ll find you here and maybe……. you will still give me  a chance to make it up to you and go out with me now?”

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon