Chapter 25

189K 2.3K 488
                                    

Chapter 25

Tanya

After reading the text message I just received, nagtatatalon ako sa tuwa!

Yeeeppppeeeee! I Have a date tonight! Excited much! Sa wakas, after 10 years mag-d-date na rin kami ni Ice! WOOOOHOOOOOO!

Excited na din ako makalabas ng condo. Dalawang araw din akong nakabartolina dito sa kwarto ko at hindi na ako mapakali. Halos magdugo na ang mata ko sa kakapanood ng DVD. Kainis naman kasi itong si Bestfriend Andrew, dito ba naman mag-opisina sa unit ko! Over sa kakapalan ng mukha! Grabe!

Ang luwag-luwag ng penthouse nya, pwede ngang ipasok ang isang buong batalyon doon, pero dito nakisiksik sa hamak na unit ko. (hehehehe… inangkin na ang unit ni kuya… ) Kailangan daw nya akong bantayan para daw hindi ako makatakas. Nakakahiya sa secretary na pinapapunta nya dito, anong pangalan non? Aaaa si Rick! Hindi ko na nga alam, baka kung ano na ang iniisip non. Just to make things clear, He spends the day here pero hindi ko sya dito pinatutulog. Kapag nag-10 pm na sinisipa ko na sila palabas. 

Hindi naman magkakaganito ang setup kung hindi nagsumbong si Charlie kay Kuya Stanly. Naospital daw ako.. overworked DAW etc etc etc. Kung magkwento pa man din yon sobrang exage! Hello?! Kelan pa ako na-overwork? Tinamaan lang naman ako ng virus. Kahit balat kalabaw ako, paminsan minsan din ay tinatamaan ako ng sakit. Ayan tuloy…  pinakiusapan ni kuya Stanly si Drew na bantayan ako dito sa unit at ‘wag daw hahayaang makalabas ng condo hanggat hindi tapos ang sinabi ng doktor na time frame na pagpapahinga.

Haaaayyyy… Ang hirap palang maging preso. On the other hand, a part of me appreciates what Andrew is doing. Biruin mo, Presidente at  CEO ng FGC (Fajardo Group of companies), isa sa pinakamalaking kompanya sa ASIA ay nagtitiis na magtrabaho dito sa maliit na condo, para lang mabantayan ako?! Well… ang sarap lang minsan mag-ego trip…. Hehehehe…. Ang daming nagkakandarapang maka-date yung lalaking iyon, pero  eto sya, parang gwardya sibil ko lang Hahahahaha!

Pero lately, sobrang naiilang ako sa presensya nya, mas lalo na kapag tinititigan nya ko at nagtatama ang mga mata namin. Para kasing may nagbago sa kanya. Hindi naman kasi sya ganon tumingin sa akin dati. Hindi ko nga alam kung kikiligin ako o ano.

Eto namang dibdib ko, react to death naman ang peg. Nadadala kasi sa kagwapuahan at sobrang charm. Bakit nga ba ang gwapo nya lately? Kahit napaka-casual at pambahay lang ang suot. At kung ngumiti! Nyaaaaa! Nalalaglag ang ano ko! Bahala na kayong mag-isip kung ano yon! Wahahaha!

Hindi ako dapat magpadala dito. Makamandag sya. Kaya habang maaga pa kailangan ng patahimikin ang traidor na puso ko. That’s why I’m planning to enjoy my date later para ma-overwrite kung ano man ang namumuong damdamin ko kay Drew. This has got to stop. Kailangan maibalik ko sa dati ang tingin ko sa kanya. Kialangan kong i-imagine na may tatlong sungay sya. Mahirap na. Baka mahibang ako ng tuluyan, in the end, masasaktan lang ako.

Binuksan ko ang closet ko. Hmmmmm ano kayang maisuot? Kailangan impress to the max ako. Demure epek? Pwede but not my style. Ayokong magmukhang madre.

Naglabas ako ng naglabas ng damit sa closet  pero wala akong makitang maganda kahit isa.

AAAARRRRGGGGG! I don’t have anything to wear!

Tinignan ko ang wristwatch ko, it’s only 2:00 pm. May oras pa ako para mag shopping at magpa-parlor. 7:30pm naman kami magkikita ni Ice.

Nag shower na ako at nagbihis .Simple tank top and shorts with matching flip flips lang ang suot ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at sumilip sa salas kung saan naroroon si Drew.

Nag uusap pa rin si Drew at si Rick. Talagang ginawa nilang opisina yung living room, kalat kalat pa mga papeles nila. Mga lalake nga nga naman. They’re like pigs!

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon