Chapter 3

212K 2.1K 79
                                    

FMW Chapter 3

Tanya

"ETO ANG DAPAT SA YO!!!!" sumigaw ako habang ina-amputate ko yung paa sa pamamagitan ng taga!

"YOU FREAK!!! KAILANGAN SA YO, GINIGILITAN SA LEEG!!!!"

Walang kaawa-awa kong tinaga rin ang leeg!

At pinagpira-piraso hanggang maluray ng husto!!!!

Gusto ko syang tadtarin pa ng pinong-pino!!!!

I'm sooooo irritated!!!! GRRRRRR!!!!

"Kainis kang Andres ka!!!!"

Pinag-ta-tadtad ko ulit yung manok. Talagang inilagay ko pa ang buong lakas ko! Sobrang gigil na gigil ako sa kaasaran na halos magkasalubong na talaga ang kilay ko.

"HUY GIRL!!!! Ano bang ginagawa mo dyan sa manok! Pinagdidiskitahan mo ng husto!!! Parang ayoko ng kainin nyan. It looks disgusting!"

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Charlie... at tatawa tawa.

Every Monday and Friday , schedule kong pumunta sa bahay nila Charlie. Syempre.... Bonding moments naming magkaibigan. Bihira na makalabas ang bruha simula ng ipinagbuntis nya ang kambal hanggang ngayon. Naging napakaselan ng pagbubutis nya, kagagawan pa rin ng nangyari sa kanyang car accident na halos ikamatay nya. Halos hindi sya bumabangon ng kama dahil baka malaglag ang mga bata! At least nakaraos na sya sa ganong stage.

And knowing Zack na sobra na at over pa sa pagkaprotective ay hindi hinahayaan na mapagod si Charlie. Kung pwede nga lang nag kahit daliri ay huwag maigalaw! OA talaga. Pero ang sweet talaga! Kaya ako na lang lagi ang pumupunta at dinadalaw sya sa bahay nila. At para na rin maka-bonding ko ang mga babies ko. Hehehe, inangkin talaga. Kung pwede nga lang talagang ibulsa at iuwi. Hehehe.

At kapag nandon ako, tina-take advantage ko ang malaking kitchen nya. Hindi ko nga alam kung bakit pinagawan pa ni Zack ng napakagandang kitchen complete with all equipments, e hindi naman marunong magluto yun! Baka paliyabin pa nya ang buong kitchen. Gustong-gusto naman na palagi akong andon dahil lagi ko silang pinagluluto. Feeling ko nga, ako ang may-ari ng kusinang ito.

"Alam mo yang Andres na yan a... akala mo nakakatuwa sya! Ha!!!! SINIRA NYA DISKARTE KO!!!!"

Tinadtad tadtad ko pa ang manok, hit anywhere na ang peg ko ngayon.

"E kasi naman ikaw, nakikipag head on collision ka don... alam mo naman ang ugali ng lalaking yon.. hindi nagpapatalo, parang ikaw. So what do you expect. Hanggang ngayon, hindi ka pa nasasanay. Saka, hindi na rin ba kayo nagsawa sa mga ikinikilos nyo? Para kayong mga bata, as in parang grade 1."

Mas lalo akong nanggigil at mas lalo kong pinagtatadtad yung manok... GRRRRR!!!!

"Nakakainis talaga!!!! Umpisa pa lang! Turn off na tuloy sa kin si cousin Ice! Ugali talaga nung Andres na yon! Hindi na ko pinagbigyang makausap pa ulit ang future boyfriend ko!!!!"

"Future boyfriend ka dyan! Ikaw talaga Tanya. Assuming ka talaga. Hindi nga natin alam, baka naman may naiwang girlfriend yun sa States."

Para akong biglang binuhusan ng malamig na tubig. With my knife hanging on air, napalingon akong bigla kay Charlie. Girlfriend? Hmmmm? Teka, napaisip ako don a. Ang lakas ko nga namang mag-assume, hindi ko man lang inaalam ang background ni Ice. Feeling ko kasi talaga magiging kami as in.

Binitawan ko yung taga at hinarap ko si Charlie.

"Meron nga ba?"

"Ayan kasi! Magimbestiga ka nga muna!! Hindi yang balak mo na ligawan. Kababae mong tao. Pahalagahan mo nga yang sarili mo, sayang naman yang ganda mo kung ikaw ang maghahabol sa lalake!"

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon