Chapter 10

182K 1.8K 107
                                    





Chapter 10

Tanya

"Last call Tanya." sabi ni Kuya Stanly "Baka magbago pa isip mo."

We are now in the airport, bidding our farewells. Sinamahan ako ni Charlie at Zack. Sila na nagdala ng mga van pagahatid sa pamilya ko sa airport, since na-dispose na namin yung ibang mga sasakyan namin. Sila Charlie na din ang maghahatid sa akin sa condo ni kuya Stanly mamaya.

Oh Gosh.. I never thought this'll be hard... as in GOSH!!! Nangingilid na ang mga luha ko. Pero hindi ako pwedeng umiyak, baka kaladkarin na lang nila ako sa eroplano at isama sa States. Noooo waaayyy! Kailangang magpaka-tatag ako. I'm a rock! Bato ako!

"Sorry Kuya Stanly, hindi na magbabago isip ko. And besides I need to be independent. At kailangan kong malayo dyan kay kuya Slate, para naman ma-practice ko ang pagiging babae ko. Peace kuya... Luv you!!!!"

Hinawakan ni Kuya Slate ang leeg ko at ginulo gulo ang buhok ko!

"If I know. Sobrang ma-mi-miss mo ako! Hindi ka makakatiis ng isang araw na hindi nakikita ang kagwapuhan ko!" at patuloy nyan hinarass ang buhok ko!!!

Hay nako as usual para na naman kaming bata!

"KUYA!!!! Oo na! sige na ma-mi-miss na kita!!!!! Bitawan mo na nga ako!!!!"

Natawa sila sa aming dalawa. Ganyan talaga kami kung magharutan. Pero sa totoo lang kahit na naghaharutan at nagtatawanan kami, parang ang bigat bigat ng dibdib ko. I'm just putting on a happy front, para hindi sila mag-alala sa kin. Pero hindi nakaligtas kay Charlie ang nararamdaman ko at kanina pa nya ako tinitignan na may halong pag-aalala. Napaka-sensitive talaga ni sis! Walang nakakatakas sa kanya.

I hugged my mom.

"Mommy, I'll miss you!!!"

"Not as much as I do. " lumuluha na si Mommy.

"C'mon ma, wag ka na umiyak. It's going to be a temporary set up. I promise, We'll all be together again. "

"I know. Just give me time to recover ... ok anak?"

"Tama na drama ma!!!!" sabi ko cheerfully.... "Pumapangit kayo nyan!!! Ang ganda ganda nyo pa man din!!! Sige kayo hindi na tayo magiging magkamukha nyan"

PInahid nya ang luha nya, at napangiti na rin.

"Saka maganda na ang technology ngayon. araw araw pwede nyo na akong makita. Lagi tayong mag-video chat. Baka maumay pa kayo sa itsura ko.. hehehehe..."

"Just be good, ok. Stay away from trouble. I'll check on you every now and then. " sabi ni Kuya Stanly. "And Zack, if you can look after her, it'll mean so much to us. "

"No problem. " Sabi ni Zack.

"Ipadampot mo kung may ginawang kalokohan!" Biro ni Kuya Stanly at natawa kaming lahat.

"Pasaway ka talaga kuya! Sa bait kong to! Sige na! Umalis na nga kayo! Baka iwanan pa kayo ng eroplano!!! "

Niyakap ako ni Kuya Stanly... "I'll miss you kiddo.Be good, ok? But don't worry I have someone to look after you. "

Ang sweet naman ni Kuya Stanly.

"Sige kuya. Pagbalik mo ihahanap kita ng girlfriend para hindi mo na kami masyadong inaalala."

"Ikaw talaga. Ang pilya mo talaga... sige bye... be good!"

Hindi na ba natapos ang bilan na 'be good' ? Am I such a trouble maker at puro iyon ang bilin? Haist!

"Sige na kuya hindi mo kailangan sabihin, matagal na akong mabait!"

We hugged and said our last goodbye.

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon