Chapter 15

186K 2.2K 285
                                    



Chapter 15

Tanya

"Ouch!!!" sabi ko habang nilalagyan ng ice pack ng company nurse yung braso ko.

Masakit a!

Grrrr.... Kainis talaga! Ayan tuloy nagpasa yung braso ko dahil sa pagkakahila sa akin ng hinayupak na yon!

Anong akala nya rag doll ako? Pero at least, ito lang ang inabot ko, pasa lang. Hindi katulad ng inabot ng dalawang pangit na yon. Kung hindi pa ako pinigilan ng security guards, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanila.

Haist! Ang mga lalake nga naman! Feeling kasi nila, lahat ng babae pwede nilang kaya-kayanin... hmmmp!!! Ang yayabang nila, mga lampa naman pala. Hindi naman ako umuuron sa mga basag ulo! Well actually, hindi pa nga malala ito compared sa mga rambol namin ni Kuya Slate nung High School kami. Madalas kasing mapaaway si kuya dahil sa babae. Ang dami kasing naghahabol sa kanyang babae kahit may mga boyfriend na. Nagkakataon naman na palagi ako ang kasama kapag sinusugod sya. Haaayyyzzzz! Bakit ba ako palaging napapasubo sa mga ganito! Hindi naman ako mukhang basahulero. Ang ganda ganda ko nga!

Oh well.. Kahit palagi akong nananalo sa rambulan, masakit pa rin kapag tinatamaan ka. Hindi naman ako si supergirl.

"Dahan-dahan nga! Nasasaktan si Tanya!" Pinagalitan pa ni Andrew yung nurse, na kitang kita na takot magkamali dahil sa tondo ang bantay nito.

Ang OA! Grabe!

E sino kaya ang may pakana na sa parking lot ako mag-stay? Sya naman ang punot dulo nito! GRRRRR! Hindi naman mangyayari ito kung pumayag lang sana sya na sa loby na lang ako tumambay.

Hmmmpppp.. deadma ka sa kin ngayon. Asar ako sa yo! Kahit kelan hindi na kita papansinin.

DEADMA!

IRAP MODE AKO NGAYON!

Mukhang affected si Andrew, hindi mapakali. Lahat na lang ng staff nya sinisigawan.

Kanina pa nya pinagagalitan yung mga nag-t-trace kung sino yung dalawang lalaking umatake sa akin. Ang kupad daw!

Hello! As in 5 minutes pa lang kami nakaka-akyat dito sa office nya simula ng nangyari yung incident, gusto nya may resulta kaagad! Malala pa kay Zack ito!

Ayaw kasing magsalita nung dalawang kumag kung paano sila napadpad dito sa building ni Andrew... haist!

Sarap bugbugin ulit ng mga lalaking yon. Tuloy, damay buong kompanya sa galit ni Andrew. Kawawa naman mga empleyado dito.

Kainis talaga! Sya na nga ang may kasalanan sya pa ang may ganang magalit sa mga inosenteng mga tauhan nya!

Hay nako! Utak ipis talaga! Nandamay pa ng ibang tao dahil sa kalokohan nya! grrrr!



Andrew

Alam kong galit si Tanya. Kanina pa nya ako hindi kinikibo.

Hindi ako sanay ng ganito. She's always so bubbly kahit na medyo nagagalit.

But now, she's too quiet!

Hindi man lang ako sinasagot kahit kausapin ko sya. She does not even look at me!

This is so damn frustrating!

"Damn it Tanya, talk to me! May masakit pa ba sa yo? Gusto mo bang pumunta sa ospital?"

Wala pa ring kibo.

DAMN! Gusto kong ihampas ang lamesa sa gumawa sa kanya nito!

Mas ok pa sa akin yung binabangayan ako, pero kapag silent treatment, hindi ko ito matagalan!

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon