Chapter 29

182K 2.5K 596
                                    


Chapter 29

Tanya

"Good grief girl! Hinakot mo ba ang buong Hong Kong?"

"Hindi naman, slight lang. hehehehe... Anyway, Merry Christmas!!! So where are my cuties?"

It's the morning of Christmas Eve. Pumasyal na ako kila Charlie para ibigay ang mga regalo ko sa kanila. Pinuntahan ko ang twins sa playroom at yumakap sa akin yung dalawa nung nakita ako.

"You two are growing faster than I expected!"

Tuwang tuwa ako dahil marunong na rin silang maglambing. hehehehe... Baka alam nilang Christmas, at na-train na sila ng mommy on hOw to make hakot their gifts on Christmas! heheheh...

"I have tons of gifts for both of you!"

"Oo nga, napakarami nga. Parang pupunuin mo naman ang playroom nila. Parang wala ng room para sa mga gifts ng iba!"

"Ok lang yan, para alam nila na sa akin sila spoiled! Ahahahha! Diba babies?!!!!"

I played with the babies for a while, nung nakikita kong medyo inaantok na sila hinayaan ko ng patulugin ng mga yaya.

Pinuntahan ko si Charlie at si Zack sa mezzanine, ang favorite tambayan nila sa bahay at nakipagkwentuhan ako.

"Dito ka na mag noche Buena." Sabi ni Charlie. Ilang araw na din akong kinukulit nito para mag-Noche Buena sa kanila.

Ayoko nga. Alam kong dadating ang family nila both sides, OP naman ako.

"I have other plans, and I'm also here to pick up your goodies."

Every year nag-g-gift giving kami sa orphanage tuwing Christmas, but this year, I decided to do it on Christmas Eve, para naman may makasama ako sa Noche Buena, magkakasama kaming mga walang pamilya.huhuhuhuhuhu....

Pumayag na dati si Charlie pero pilit pa rin nya akong kino-convince na sa kanila na ako mag Noche Buena. Well... I'll push thru with my plans dahil hindi ko rin naman puputulin yung tradisyon naming magkakapatid na mangaroling sa mga indigents, pero kami ang mamimigay ng mga goodies. Magsasama na lang ako ng mga orphans pagkatapos ng gift giving. I know it will be fun and I'm looking forward to it.

"Nakaayos na, kaso isang truck yung dadalhin mo."

"Ha! Ano yun? Truck driver naman ang peg ko ngayon?"

Natawa si Zack at Charlie.

"Hindi mo i-d-drive yung truck, pinadala na yun, ni Zack sa orphanage yung truck. Magkakasama na yung mga gifts and grocery items para sa pangangaroling nyo mamaya. Kinausap na namin si manong para ipagdrive ka na lang tapos may sasama na dalawang tagahakot mo."

"WOW!!! The best ka talaga girl!!! You thought of everything!!!"

"Bakit hindi na lang kasi ipagpabukas e! para naman makasama kami ni Zack."

"Ok lang yun, sa birthday nyo na lang kayo mag-appearing act. Tutal, karamihan naman ng ipamimigay galing sa inyong dalawa. Pagbigyan mo na ako para naman hindi ako mag-mukmok."

She smiled at me thoughtfully.

"Are you sure you'll be fine?"

"Of course. I know I'll enjoy myself. "

"BY the way, nagpacater na din ako, so wala ka na ring iintindihin. Pupunta ka na lang don mamaya."

"A ganon ba? Balak ko pa man din magluto ng gabundok na spaghetti!"

"Dito ka na lang muna magluto. Gustong gusto ni Mommy Camille yung mga dishes mo, para kunwari ako nagluto!"

"Hahahahaha!!! Asa ka pa girl! Walang maniniwala sa yo!"

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon