AN. Sorry peeps for the long wait... Masyado kasi akong BZ... I have to work work work.
So sa mga nanghaharas sa kin na mag-UD ako, pagpasensyahan nyo na ang lola nyo at nagpapayaman ako ng husto... hehehehehe... Baka sakaling kasing yaman ko na si Andrew, baka makapag-UD na ako araw araw (kelan pa kaya yun... hehehehe)
Sige guys. alam kong marami ulit errors ito,, pero alam kong mapag-pasensya kayo sa taong maraming trabaho... hehehehe..
Luv you guys! thanks sa lahat ng votes and comments.. kahit sa mga harassments.. thank you din dahil alam kong binabasa nyo pa rin nito... hehehehe :) MWAH!
Chapter 36
Tanya
“Oh my God! We’re alive!” Sigaw ni mother reyna the moment na nagtouch down kami sa lupa
“Hay thank God!” I said. Overjoyed at napayakap ako kay Mother. Now I can breathe normally again.
It has been one hell of a plane ride! Halos lahat kami nakakapit sa mga upuan namin holding our breath. Matinding turbulence ang nadaanan namin, nayugyog ng husto ang airplane kaya nagkaroon ng engine trouble. Nag-shutdown ang right engine which result to an emergency landing. Wala kaming ibang nagawa kundi manalangin ng manalangin and hope for the best. Thank God, the pilot was sooooo good! He was even calm when assuring us our safety in the intercom.
Sumilip ako sa bintana ng mag-land kami.. maraming naka-abang na ambulance at fire truck… Thank God at hindi kinailangan ang mga yon.. we are all safe. Hindi na nga lang kami nakarating sa dock
Napabuntong hininga ako.
“I’m going to the cockpit.” Tumayo si Mother. “ The pilot needs to be commended. We’re all alive because of him!”
“Sige mother, Ikamusta mo na rin kami ni Angelie, sabihin mo ililibre naming sya ng ice cream!”
Natawa sila. At umalis na si Mother papuntang cockpit.
“Haaaay! Akala ko talaga katapusan na nating lahat!” Sabi ni Angeline.
Inaayos na namin yung mga hand carry naming.
“marami pa tayong dapat gawin kaya hindi pa tayo kinukuha ni Lord.” Sabi ko, making the situation light.
“Korek ka dyan, hindi pa ako full grown designer. Hindi pa talaga ako pwedeng kunin ni Lord! At least ikaw sikat na sikat ka na, Though I’m 2 years older than you. Pwede ka na ring kunin ni Lord!”
“Pasaway!” Sabi ko at tatawa tawa kami.
“Btw, saan ka tutuloy? Hindi ko pala naitanong sa yo. Diba na-give up mo na yung apartment mo? May mga kamag-anak ka ba ditto?” Tanong ko kay Angelie.
“Hmmmm… saan nga ba? Biglaan naman kasi pag-uwi natin dito kaya hindi ko naplano. Hindi rin naman malinaw kung magtatagal tayo dito. Hindi ko tuloy alam kung kukuha ako ng apartment.”
“Well, If you ask me, ayokong magtagal dito. I just want our obligations to be over and done with the soonest possible time. I wanna go back to Milan.”
“Wow…. Ang allergic mo naman sa sarili mong bayan!”
“hindi naman. Ayoko lang maging complicated ulit ang buhay ko… hay nako. Enough of me… I have an idea… ”
“Ano yon?”
“Since hindi naman tayo magtatagal dito… let’s just crash my brother’s condo. I know he won’t mind. May mga guestrooms pa naman don. “
BINABASA MO ANG
Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIB
RomanceBook 2 of 'I love you Kuya'. Si Tanya Ramirez, hyper, makulit, kikay at higit sa lahat astig. The word "typical" is definitely not in her vocabulary. Mahilig sya sa gwapo, matalino, mayaman etc etc. Yung tipong lalake na sa libro o sa fantasy world...