Chapter 7
Tanya
"It's good to see that you are getting back to normal." Sabi ni Mother Reyna after another grueling photoshoot.
Grabe I'm sooo tired, kulang na lang isampay ko ang katawan ko. Nagstart kami ng 10 am and now it's pass midnight. Pinaayos ko na lang sa staff ko yung mga gamit ko. I usually do it myself but this time pinaubaya ko na itong lahat dahil hindi ko na kaya pang gawin ito. Pina-back-up ko na rin sa tatlong computers yung mga shots. Ako lahat ang kumuha dahil ayokong ipagkatiwala sa ibang photographers ang photoshoot ni Mother Reyna. Masyadong maselan, baka mamaya hindi ma-satisfy. And he's one heck of a very important client. Sya ang naka-discover sa amin kaya hindi pwedeng basta-basta ang trabaho pagdating sa kanya.
"It's been three months Mother..." I smiled... "Masakit pa rin pero I learned to cope." Hindi na rin naman talaga matatanggal ang sakit. It's always going to be there, it's just a matter if you're going to accept it and move on. You just have to learn how to deal with it. E ayoko naman ng magmukmok, nasisira ang beauty ko. At nagpromise ako kay Daddy that I'll be strong and move on. That's what I'm doing right now. I'm trying to my usual routine.
I learn to face reality. Tanggap ko na rin na hindi ko na makikita si Daddy, sa video and pictures na lang. He's gone, but the memories that he left will be cherished forever.
Yes, tama si Mother, I'm already my old self. Masayahin na naman, topakin na naman. Hmmmm Pero siguro medyo nagmature din, kahit konti, I looked at life more meaningful right now... and I cherish my family and my friends even more.
"Mabuti naman at madali kang naka-recover, what will I ever do without you! " sabi ni Mother Reyna na umaarte na naman, pahawak hawak pa sa noo at umaarteng parang hihimatayin.
"hmmmm... mother a.... don't patronize me..." sabi ko teasingly...
"I'm just stating the obvious... wala na kong mahagilap na kasing galing mo."
"hmmmppp... kayo talaga.. kung hindi ko lang kayo love. Iisipin ko talagang binibilog nyo lang ang ulo ko para maka-discount kayo... Ilibre nyo na nga lang ako ng ice cream!"
"Ayan ka na naman! Ice cream ka na naman! Kung isa ka sa mga models ko, hindi kita papayagang mag-indulge sa sweets." She looks at me from head to toe. " hmmm pero... look at you.. Kahit isang kalabaw pa ata ang kainin mo, hindi ka talaga tumataba. Ano bang klaseng mga parasites ang meron sa Tiyan mo?"
Talaga itong si Mother. Anong akala nya sa tyan ko breeding site ng mga parasites?
True.... Kahit anong kain ang gawin ko, hindi talaga ako tumataba... slim na slim pa rin ako. Problema lang kapag hindi ako kumain ng madami, nagmumukha akong tingting.
"Good genes, I guess.. hehehehe. I got that from my mom. Namana ko yung mga parasites nya!!! Hahahahaha!!!!"
Ngumisi sya at akyat baba ang tingin nya sa kin na para bang kinikilatis nya ang buong katawan ko. I really don't like it when he looks at me like that. Nabubuo na naman ang mga kalokohan nya sa utak.
"Sweetie... do me a favor and turn around "
"Ano na naman yan mother!!!" super close na rin kami, kaya nakakausap ko sya ng ganon kahit na important client namin sya. Pero kung sa ibang tao.. ang taray kaya ng baklang yan.
Kahit na pilit na pilit ay sinunod ko na rin ang pinapagawa nya.
"With your gorgeous face, height and body... you can be very popular as a model!!!! Why don't you do sidelines for me, pwede ka sa commercial at rampa! Malaki ang kikitain natin!!! "
BINABASA MO ANG
Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIB
RomanceBook 2 of 'I love you Kuya'. Si Tanya Ramirez, hyper, makulit, kikay at higit sa lahat astig. The word "typical" is definitely not in her vocabulary. Mahilig sya sa gwapo, matalino, mayaman etc etc. Yung tipong lalake na sa libro o sa fantasy world...