Chapter 1

265K 2.7K 215
                                    

Chapter 1

Tanya

"Ops, ops ops. Saan ka pupunta? Saan na naman ang date mo?" tanong sa akin ni Kuya Slate na humarang pa sa pintuan para hindi ako makadaan.

Grrr. Kung kelan naman nagmamadali ako saka naman nagpapapansin ito!

"Tabi nga!! Late na kaya ako! At hindi date ang pupuntahan ko! Bakit? Tuwing aalis ba ako, makikipag-date lang ako?"

"Ba't ang ganda mo ngayon? So ano pa ba ang iisipin ko kundi makikipag-date ka na naman."

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Lagi naman akong maganda a!"

Ginulo gulo nya ang buhok ko.

"KUYA!!!" akmang sisipain ko sya pero mabilis syang nakaiwas. Kaya kong makipag rambulan kahit pa 6 inches pa ang hills ko. Deadly weapon nga ito kung tutuusin. "Kung hindi lang ako late, lagot ka talaga sa kin!"

Sumandal sya sa may pintuan at iniharang yung braso para hindi ako makalabas.

"San ka ba talaga pupunta?"

"Bakit? Sasama ka???"

Nag-isip sya sandali.

"Hmmmm.. pwede rin. Wala naman akong gagawin. Ang boring dito sa bahay ng walang parang bubuyog na umaaligid."

Is he referring to me?. Loko talaga ito!

"Wag na! Baka pagkaguluhan ka na naman ng mga babaeng haliparot! Nakakahiya! Nakakainis kapag umeeksena ka at feeling mo center of attraction ka pa! Kapal ng mukha! Grabe!"

Wow grabe, sobrang bait ko talagang kapatid. Promise (just note the sarcasm). Kasi naman e, palagi na lang ganon ang drama namin kapag kasama ko itong kumag na to. Nakakairita talaga, promise. Mas lalo na kapag tinataray tarayan ka ng mga babaeng may gusto sa kanya! I'm not in the mod to deal with those kind of pre-madonnas right now.

"Humanap ka na kasi ulit ng girlfriend mo para hindi ka nagmamaktol lagi dito sa bahay! Idadamay mo pa ko sa pagiging loner mo. "

Natawa sya. Actually, hindi naman talaga sya loner. Nito lang for the past few weeks at nagkukulong sa bahay.

One word to describe my kuya Slate? Gorgeous. Mabait sya pero pagdating sa labas akala mo kung sinong suplado. Sa dalawang kuya ko, sa kanya ako talaga close. Sya kasi yung sinundan ko at mas malapit ang age namin. Napaka-happy go lucky. He's also the one who taught me how to drive. Kaya ayun, para tuloy akong demonyo sa daan. Nagturo ba naman sa akin ay isang professional race car driver. Sya rin ang ka-sparring partner ko palagi. We are both black belters in taekwondo. I know it's far from being kikay but he insisted that I learn it, and I'm glad I did, proteksyon ko daw yun. Proteksyon daw, pero ginagamit ko ang skills na to para mang bully! Hahahahaha!

Every Sunday afternoon, schedule namin ng sparring, kaya nga eto sya at humaharang sa daan ko, demanding for my precious time.

"Parang dapat schedule ko sa kalendaryo mo ngayon. Hindi ka man lang nagpaabiso na may ibang lakad ka. Sana nakapagschedule na rin ako ng iba. Ang lagay e, iiwan mo pala akong mag-isa sa malaking bahay na to. "

Nasa Hong Kong kasi Si Mommy, Daddy and Kuya Stanly, at may inaasikasong negosyo doon, kaya kami lang ni kuya Slate ang naiwan dito sa bahay. Kaawa-awang nilalang naman si Kuya Slate, nagmumukmok na nga, iiwan ko pa sya. Baka masiraan ng bait ito a, ipamental ko pa. Sayang naman ang kagwapuhan nito! Hmmmm kung isama ko na kaya? Isip...isip...isip...

NAAH!!! Pahamak lang yan! Grabe, ang sama ko talaga kapatid! Hehehe.

"Sorry kuya." I smiled sweetly." Hindi ko pala nasabi sa yo ang lakad ko. Binyag nung twins nung bestfriend ko. Sorry a, nakalimutan kong banggitin sa yo. Gusto mo tawagan ko na lang si Kate para samahan ka dito? " I said teasing. Cheshire cat smile. Feeling innocent na hindi.

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon