Chapter 21
Tanya
Oh my! Ano bang nangyari? Hindi nga dapat akong nagpadala sa emosyon ko kanina. Sometimes I tend to give in to my emotions especially kung pagod ako. Hindi ko na napag-iisipan ang mga kinikilos ko. Nakuuu! Baka kapag nagkita kami ni Drew bukas baka mag mistulang dragon yun. Yung tipong lumalaki ang butas ng ilong at may usok na lumalabas dito! SCARRY!
kasi naman yung Nica na yon! Kasalanan nya ito! Pina-init ng husto yung ulo ko sa photoshoot pa lang. Saan ka ba nakakita ng model na kung ano ang gusto nya iyon ang dapat masunod. Pati ayos ng set pinakikiaalaman! GRRRRR!!!! FEEEELLLIIINNNGGG MAGALING HINDI NAMAN!
Kundi lang talaga dahil mahal ko si Mother nilunod ko na sa dagat yun at magmistulang syokoy sya don! Kaya nung narinig ko yung boses nya sa cellphone ni Drew talaga namang nag-init ang ulo ko. Ang mas lalo pang nakakainis ay obvious na nakikipag-landian si Drew sa babaeng yon! Hay nako!
Naman kasi Drew kung pipili ka man lang ng babae wish ko hindi sa mga prima donna. o baka naman iyon talaga ang mga type nyang babae. Maganda,sexy, pero mababaw. Kung sabagay, madaling bilugin ang ulo kapag ganon. Bahala na nga sya. Buhay nya yon! Hmmmp! Na-a-asar na naman ako.
Akyat kaya ako sa penthouse? Mag-apologize?
Ikot ako ng ikot sa kwarto. Hindi ako mapakali. Hmmmmm ano kaya? Tawagan ko na lang? Ayy! Oo nga pala, hindi ko pa nga pala nabuksan ulit ang celphne ko.
Hmmmm.. isip isip isip Tanya. Ano ba talaga ang dapat kong gawin? On second thoughts. Sigurado akong galit sya, iniwan ko ba naman. Palipasin ko na nga lang yung init ng ulo nya. Bukas na lang ako mag-a-apologize. Babawi na lang ako.
Nahiga na ko sa kama, feeling sooo drained. Ang bigat ng katawan ko. Sobrang pagod, at parang nakasama pa yung pag-kaka dip ko sa tubig. Ang lamig kasi ng panahon, kaya parang ice cold ang pool. Buti doon sa dagat medyo mainit, pero ibang usapan sa pool parang tumayo lahat ng balahibo ko nung nag-underwater na ako! Itulog ko na nga lang to, baka bukas ok na ako.
Before I drifted off to sleep, I got my cellphone and texted Drew.
‘Bestfriend… so sorry kanina.. my temper got the better of me… Sorry talaga! I shouldn’t have let you drive home alone. Nakokonsensya tuloy ako. ’
I set the alarm and tuned off my lampshade.
Tumunog un cp ko… may nagtext…
‘Forgiven. Alam kong pagod ka. Sarapan mo ang breakfast tomorrow. ‘
I smiled, at least makakatulog ako ng hindi nako-konsensya.
‘Sure thing… thanks.. mwah! ‘
Then I sent it.
Teka.. ano yun tinext ko? Bakit may mwah!
Ooopppsss… cancel.. cancel.. cancel…
MESSAGE SENT
WAAAAA! Gusto kong maiyak! Ano ba yan! Ano bang iniisip ko! Ba’t me ganon?! Haaayyy! Nahiya tuloy akong bigla, Kung pwede lang na burahin ko ang mukha ko! Sana isipin na lang nyang nagbibiro lang ako as always. Makatulog na nga. Haaaay anf bigat ng ulo ko, feeling ko sisipunin ako.
***
I was in a deep sleep when the alarm went off.
I groaned. O Gosh! Is it morning already?! Do I really need to get up? I feel worse than last night. Ang sakit ng lalamunan ko, feeling ko may sore throat ako. huhuhuhuhu…. But I have to push myself up. Hindi ako pwedeng pumalya kahit isang araw, kung hindi, goodbye na ako for good sa bahay namin. Isa pa, babawi nga ako kay Drew. Kailangan maging perfect ang breakfast nya ngayon.
BINABASA MO ANG
Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIB
RomanceBook 2 of 'I love you Kuya'. Si Tanya Ramirez, hyper, makulit, kikay at higit sa lahat astig. The word "typical" is definitely not in her vocabulary. Mahilig sya sa gwapo, matalino, mayaman etc etc. Yung tipong lalake na sa libro o sa fantasy world...