Chapter 16Tanya
"I was worried sick about you! "
We were just passing by the condo's lobby when Ice approached us.
OMG! Hindi man lang sumagi sa isip ko na mag-iintay sya sa akin!
Concerned ba sya? It looks like it. Worry is written all over his face.
"ICE! " I looked at my watch. it's almost 11:00 "Kanina ka pa ba? "
"Don't ask... " he said, irritated.
Hala naku! Mukhang kanina pa nga. Nakakakonsenysa naman!
"Naku Ice. Pasensya na talaga kanina a, pinag-alala pa kita. Sorry talaga. Ito kasing si Andrew, hindi naman kasi sinasabi kung saan ako dadalihin. "
Andrew just shrugged.
Hay nako nanahimik na naman, at wala man lang ino-offer na explanation.
Tinignan ni Ice si Andrew ng masama at eto namang si Andrew. Deadma lang. Walang pakialam kung nagagalit sa kanya ang kaibigan nya.
"Nag joy ride lang kami sa Enchanted Kingdom." I explained.
Alam kong para akong bata dahil obvious na tuwang tuwa at nag-enjoy ako. And to top it all may bitbit pa kong malalaking stuff toy. Aside from the big bunny stuff toy na napanalunan namin ay binilhan pa ko ni Andrew ng malaking stuff mascot ng Enchanted Kingdon.
Well at least I'm a girl, hindi katulad ni Andrew na parang engot. Bitbit yung isang malaking bunny stuff toy, and he’s wearing a suit! Very, very unlike Andrew. Parang nawala ang pagka cool nya. Hindi ko talaga alam kung anong nakain nya at ayaw na lang ibigay sa twins yung stuff toys. Remembrance daw ng pagkakatalo ko! GRRRRR! At gusto pang gamitin ang stufftoy para ipamukha sa kin yon! Anyway, I didn't know that he's sentimental. Wala talaga sa itsura.
"You don't have any reason to be worried. " at last, nagsalita na din si Andrew. "Sabi sa yo drama queen lang yan e. Exaggerated as always."
"But why did you turned off her cellphone? Ive been calling non-stop, pero puro voice mail lang ang sumasagot sa kin." Tanong ni Ice na parang nagagalit na dahil tumataas ang boses nya. Kung makatingin kay Andrew parang lalamunin.
"AY Shocks!!!.. I forgot to get my cellphone! "
"Don't worry it's here." Kinuha ni Andrew yung cellhone ko sa pocket nya at inabot sa akin.
"NAku sorry talaga Ice. I made you worry. I never should have called you. Itong kasing si Andrew---"
"Ang gwapo!" sabat ni Andrew!!!! And he looked at me teasingly...
Waaa ang kapal ng mukha!
"Grabe a!!! Umiwas-iwas ka nga!!! Tinatamaan na ko ng ilong mo sa sobrang kapal ng mukha mo!!!"
Natawa na lang si Andrew but I can see that Ice was not amused.
Napansin ni Ice yung malaking pasa ko sa braso.
Kinuha nya ito at parang mas lalong kumunot ang noo nya.
"What's with this nasty bruise? Are you hurt? Nahulog ka ba or something sa mga rides?"
"No no no... wala namang nangyari sa min sa EK. Napa-away lang ako kaninang umaga."
"What have you done Andrew?" galit na sabi ni Ice kay Andrew.
"No Ice. Hindi si Andrew, Promise. May mga ma-epal lang na lalaki kanina sa parking lot. Akala nila kasi kaya nila ako. Kaya ayun, bubog napala nila sa akin. ‘Wag ka ngang mag-alala, ano ka ba! " Kumapit ako sa braso nya. Syempre konting lambing baka sakaling humupa ang pagkainis nya. Syempre, kasama na rin doon ang ma-tyansingan ko sya. Hehehe. Sobrang gwapo naman kasi nitong lalakeng ito, kung minsan ay hindi ko ma-contain ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIB
RomanceBook 2 of 'I love you Kuya'. Si Tanya Ramirez, hyper, makulit, kikay at higit sa lahat astig. The word "typical" is definitely not in her vocabulary. Mahilig sya sa gwapo, matalino, mayaman etc etc. Yung tipong lalake na sa libro o sa fantasy world...