AN..
PARA PO SA MGA HINDI PA NAKAKABASA NG 'I LOVE YOU KUYA' paki una lang pong basahin yun... para may Idea kayo kung sino yung mga characters...
TANYA
Typical? That's definitely not in my vocabulary.
I don't know why but I love to live on the edge. I love car racing, sky diving, cliff diving, mountain climbing, at kung ano ano pang delikadong sports. Adrenaline rush? Partly... pero siguro dahil na rin sa ako lang ang nag-iisang babae sa aming talong magkakapatid, bunso pa. At lahat sila turing sa kin parang lalake lang. Lagi nila akong sinasama sa mga trip nila kahit nung bata pa kami. Super close talaga kaming magkakapatid, pero kung makaimpluwensya, wagas! But I refuse to be just one of the guys. Sa ganda kong ito magiging tomboy ako???
NO WAY!!!
Pilya lang at super kalog. Period!
Cooking and baking makes me balance. I love to cook. Especially international cuisines. That's my female side that I will never let go. Stress reliever ko na din ito especially after dealing with difficult clients na kailangan mong pakisamahan kahit gustong gusto mo ng ilublub sa kumukulong bulalo! At least when I'm cooking, hindi ko man mapakitaan ng masama ang cliente, naiimagine ko na lang na pinupugutan sila ng ulo, ginigilitan ng leeg at tinutusta ang balunbalunan!
In all of my 23 years, hindi pa talaga ako nagkakaboyfriend. Tinutukso na nga ako nga mga kapatid ko na magiging old maid daw ako. Ang theory nila ay kapag daw nakagradute ng college at wala pang boyfriend, chances are, taken na lahat ng mga eligible bachelors. Dahil kung hindi kasal na ay engaged to be married na. Hindi nila alam na dahil sa mga hinayupak na mga kapatid ko ay hindi ko pa nakikita ang Mr. right ng buhay ko! Palagi mo ba namang kasama ang 2 perfect guys sa araw araw na ginawa ng Diyos!!! Ang taas tuloy ng pamantayan ko pagdating sa lalake.
Kahit na abot hanggang langit ang pamantayan ko pagdating sa lalake ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na kiligin sa mga nag-ga-gwapuhang mga adonis! What can I say, I just love to admire handsome guys yung tipong mga super hunk with the capital H.
I love to go on dates. Pero, hindi ko alam kung may problema talaga ako dahil after 1 or 2 dates, ewan ko ba, na-t-turn-off na ako! Yes, I'm easily get attracted , pero parang hanggang ganon na lang e. Nagtataka nga rin ako, diba dapat after nung attraction, there should be something more? Kailangan nag-u-upgrade ito. E madalas mangyari ay na-d-downgrade palagi ang feelings ko. Hay nako! Masakit talaga sa head. Anong magagawa ko? Sa MATAAS .... SOBRA ang standards ko. Pero hindi ako playgirl a! Mind you. I'm just looking for Mr. Right. My perfect guy. Kung baga kay Eba, ay hinahanap ko ang aking Adan! Hahahahaha! Ang pangit ata ng comparison a.
May advantage din ang pagiging only girl at close sa mga kuya. I know how men thinks, and I can definitely use it to my advantage. Pero mas madalas ata akong na-t-turn off dahil sa ganyang trait.
I have a very dear Friend, her name is Charlene, but I call her Charlie. Hindi ko nga alam kung paano kami nag-jive. We are total opposites. Mahinhin at sobrang poise nya, ako... hmmmm wala sa vocabulary ko ang mahinhin. Ang poise, kung i-co-compare ko sa kanya in percentage, hmmm siguro 50 percent. Super talino nya, ako siguro mga 85 percent , hindi naman masyadong nagkakalayo diba? Hehehehe.... Good girl sya... me? Good girl din naman kapag tulog... Mukha syang anghel, HINDI NAMAN AKO MUKHANG DEMONYO NO!!!!! babawiin ko na sinabi ko.. hindi kami total opposite!!!! Again again again...... mukha syang anghel... ako sophisticated type. AYAN! Yugn tipong, pang beauty queen ang peg nya, ako naman, pang super model!
We both love photography, may studio nga kami. Part time na lang sya don simula nung hilingin ng asawa nyang mag-full time sya sa business nila. Makakatanggi ba naman ako kay Zack, yng asawa nya? But even if she's concentrating on their family business, you just can't keep her away. May konting pagkapasaway din... HINDI KO SYA INIMPLUWENSYAHAN A!!! slight lang.
Idol ko yung bestfriend ko.. dahil at a very young age, she already met her prince charming. Nakakaloka at masyadong komplikado ang naging experience nila ng asawa nyang si Zack, idinamay pa kaming dalawa ni Andrew! Pero ok lang, dahil masaya na sila ngayon. Sabi nga sa mga fairy tale books, and they live happily ever after.... Bla bla bla.
Ako kaya, kelan kaya mahuhulog sa kalangitan ang Prinsipe ng buhay ko? Kelan kaya ako magkaka-happily ever after? Teka, sa tingal tagal kong nag-iintay, baka naman mali ang hinahanap ko? Am I looking at the right direction? Or should I be looking for Mr. Wrong instead?
Tigilan na nga natin ang pag-d-describe sa sarili ko.... Baka kung ano pang masabi ko...
BINABASA MO ANG
Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIB
RomanceBook 2 of 'I love you Kuya'. Si Tanya Ramirez, hyper, makulit, kikay at higit sa lahat astig. The word "typical" is definitely not in her vocabulary. Mahilig sya sa gwapo, matalino, mayaman etc etc. Yung tipong lalake na sa libro o sa fantasy world...