First Day

245 8 3
                                    

Chapter7

Aileen*
POV

Nagulat ako nang mamatay yung ilaw sa kabuuan nitong Ospital ganun din si Daddy.

"Shit." Bulong ko.

"Nako, anong nangyare tyaka dapat may generator kagad sila na nakahanda." Sabi ni Daddy.

"Hays. Pupuntahan ko muna si Rose." Sabi ko.

"Ayan si Aling Betina oh." Sabi nito.

Lumingon ako at nakita si Lola Betina na palingon lingon.
Dali-dali ko syang nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat, lumingon naman ito saken.

"Hija si Rose. Nako, bibili kase ko ng Lugaw namen namatay yung ilaw nandun si Rose." Sabi nito.

"Ako na pong bahala pupunta ako dun. Dito na muna po kayo." Sabi ko.

Tumango-tango si Lola Betina na iniwan ko muna dito sa kinatatayuan ni Daddy saka ako naglakad pabalik sa Emergency Room para mapuntahan si Rose.

*

"Rose???" Sabi ko.

"Ma'am Aileen!" Boses ni Rose.

Ginamit kong pang ilaw ang Flashlight ng Phone ko kaso, na Lowbat naman ito kaya nangangapa ako kagaya nung mga Tao dito.

"Rose?" Sabi ko at pumasok na sa isang Ward kung saan ko narinig ang Boses nya.

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko nang mahawakan ko tong makinis na Hita ni Rose.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong Buhay ko.

Yun bang natuwa akong nahawakan ko sya dito.

"M'Ma'am Aileen?" Sabi nya.

"Ako to Rose. Uhm, okay ka lang ba? Pwede na tayong lumabas basta alisin mo yung sa Oxygen naghihintay sila Lola Betina at Daddy sa labas." Sabi ko.

Mukhang kumikilos na sya pagkatapos....

"Okay na po..." Sabi nya.

Kinapa ko sya hanggang sa mag Tama ang mga Kamay naming dalawa tapos inalalayan ko na syang makatayo dito sa Higaan.

*

Lumabas kame ng Ward at nakisabay sa ibang Tao hanggang sa makalabas na kame dito at nakisama na kila Daddy at Lola Betina.

"Dad, makaka-uwi na siguro tayo?" Sabi ko.

"Tatawagan ko muna si George para may masakyan tayo. Wala si Gino e maiiwan yung sasakyan nya neto." Sabi ni Daddy.

"Okay lang yun. Tatawagan ko nalang si Gino. Sasabihin ko na nagsi-uwian na tayo." Sabi ko.

"Sige. Mauna na kayo sa labas. Kakausapin ko muna yung Doctor na nag check up kay Rose." Sabi nya.

Inakay ko na sila Rose at Lola Betina na lumabas dito sa Ospital habang may gagawin pa si Daddy at nang matawagan na din nya yung Driver namen.

"Hmm." Huni ko.

Kakaiba parin ang nararamdaman ko habang magka-hawak kamay kame ni Rose.

"Naalala ko na maglulugaw nga po pala kayo noh. Sige, maglugaw na muna tayo habang Busy si Daddy. Hindi naman naglulugaw yun kaya hindi ko na sya aayain." Sabi ko.

Ngumiti silang dalawa saken na nagpataba ng Puso ko.
Nangiti tuloy ako habang tumatawid kame at nagpunta na sa isang Lugawan.

Pumwesto na kame tyaka umorder.

******

Rose*
POV

Nakakatuwa naman si Ma'am Aileen kase ililibre nya kame ni Lola ng Lugaw.
Nakangiti kameng Tatlo habang umoorder sa isang Babae.

Touch In The DARK (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon